KABANATA 8

4.8K 212 28
                                    

Blue Bird•••

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Blue Bird
•••

Agad na lumapit sa 'kin si Halcon nang makita akong mag-isang nakatayo sa gitna ng deck.

Everyone seems so busy. Although, unlike before, the crews at least recognize me kapag nakakasalubong ko sila. It's either they nod at me or smile shyly.

“May kailangan ka ba?” Bahagya niyang hinawakan ang balikat ko para igiya sa gilid.

“Hmm, wala naman. Gusto ko lang lumabas.” I glide my fingers to the fallen tendril of my hair and tucked it behind my ear, nakasunod ang tingin niya sa ginawa ko.

I noticed that the ship was swaying but was not sailing. The sails are also folded.

“Bakit tayo nakatigil?” Tiningala ko siya.

Ang tangkad niya talaga. Nasa balikat niya lang ang ulo ko considering that I'm also kind of tall with my 5’6 height.

“Nangingisda sina Kalom habang may inaayos ang iba sa barko.”

Tumango lamang ako at tiningnan ang grupo ng apat na kalalakihan sa dulo ng barko na may hawak na lambat. Maingay ang mga ito habang tumatawa.

Tinuro ko ang mga ito.

“Sila ba ang kukuha ng isda?”

Tumango si Halcon.

Sinulyapan ko ang pinanggalingan niya kanina bago niya ako nilapitan.

“Mukhang may ginagawa ka. Sige na, bumalik ka na roon,” udyok ko sa kanya.

Nakita ko kasi siya kanina na hila-hila ang lubid na nakatali sa isang poste bago niya ako pinuntahan. Gusto ko rin kasing puntahan ang grupo ng mangingisda. I'm curious how they will catch the fish.

“Maaari mo naman akong samahan.”

I shake my head immediately.

“Hindi na. Baka maka istorbo pa ako. Saka, gusto ko sana silang panoorin.”

May sasabihin pa sana siya nang may nagsalita.

“Kapitan,” ani ng boses galing sa taas. There is a guy with a knife in between his teeth while his hands and legs were wrapped on the thick and tall pole,  preventing him from falling or sliding from it.

Saglit na tumingin lang dito si Halcon at agad namang ibinalik ang tingin sa akin.

“Kung may nais ka, huwag kang mag-aalangang sabihin sa 'kin. At mag-iingat ka. Huwag mo na ulit gawin ang ginawa mo kagabi,” bilin niya na agad ko namang tinanguan.

Of course I will not do that again, I have learned my lesson. Kung mayroon mang paraan para makabalik ako, I'm sure malalaman ko rin iyon.

Umalis na si Halcon at hinila ang lubid na hawak ng lalaking nasa pole.

Pirate's Stella (Pacifico Trilogy #1)Where stories live. Discover now