KABANATA 38

3K 168 37
                                    

She's Back•••

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

She's Back
•••

Bumungad kay Avyanna ang hindi pamilyar na kapaligiran. The first thing she saw is a ceiling made of woven bamboo and dried grass. Ang kamang hinihigaan niya ay matigas ngunit may sapin na kumot. She almost thought that she was back at Marguerite.

Except that there's a white LED light attached to the ceiling and a wire going down to the switch na nasa gilid lamang ng nakasarang pinto. Sa kanyang gilid ay isang cabinet na gawa sa plastic na may nakapatong na plolera. Isang kalendaryo at salamin na may plastic frame. Sa gilid ng kamang hinihigaan ay isang maliit na mesa.

These things do not exist in Marguerite or in Agness.

Then the truth finally sinks in and she bursts out crying.

She was finally back. She was home at last!

Pero hindi siya makaramdam ng kasiyahan. Pinipilipit ang puso niya sa sakit. Hindi niya alam kung ano ang nangyari kay Halcon at sa buong Agness.

Ayaw niyang mag-isip ng hindi maganda ngunit hindi niya mapigilan ang sarili. She left him on that state, hindi niya alam kung nasaan na ito ngayon. Kung ano na ang nangyari sa Marguerite. Only, she knows that two weeks from now is the set deadline before the Spanish will completely take over Marguerite.

Ang simpleng hikbi ay nauwi sa hagulgol.

Hindi niya namalayan ang pagbukas ng pintuan sa kanyang gilid.

A small boy of age six peaked inside to see the woman. Umiiyak ang babaeng nakita nila sa dalampasigan kahapon.

Bakit kaya siya umiiyak? Tanong niya sa sarili. Siguro ay dahil masakit ang mga sugat niya. Aniya habang pinagmamasdan ang pag-iyak ng magandang babae.

Kinagat niya ang kanyang labi. Nagsisikip ang kanyang dibdib at naaawa rito. Naalala niya ang kanyang inay, minsan kapag nalulungkot ito ay umiiyak ito mag-isa at kapag tinatanong niya ay sinasagot nitong napuwing lang daw ito. Pero kapag siya naman ang napupuwing ay hindi naman siya umiiyak ng ganoon.

Humigpit ang maliliit niyang mga daliri sa hamba ng pintuang gawa sa kawayan. Tatawagin niya ba si Inay? Ngunit naisip niyang malayo ang hacienda kung saan ito nagta trabaho. Baka magalit din si Aling Nita kapag umalis siya.

Sa bandang huli ay nanaig ang kagustuhan niyang lapitan ang tumatangis na si Avyanna.

“Bakit ka umiiyak?” tanong ng isang maliit na boses sa tabi ni Avyanna.

Lumingon siya at nakita niya ang isang may kapayatang batang lalaki. May kahabaan ang buhok nito na hanggang sa kanyang batok. Ang suot niyang T-shirt ay masyadong malaki sa kanya na umaabot sa taas ng tuhod niya ang haba.

“Masakit ba ang mga sugat mo?” Lumapit ang bata kay Avyanna at marahang hinaplos ang gauze na nakatapal sa braso niya.

Natigil sa pag-iyak si Avyanna at pinagmasdan ang bata.

Pirate's Stella (Pacifico Trilogy #1)Where stories live. Discover now