KABANATA 21

3.9K 223 141
                                    

Tanga•••

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tanga
•••

Napasinghap ako sa nakikitang kalamigan sa kanyang mga mata.

What's wrong? I thought we're okay already? Namali lang ba ako ng interpretasyon sa mga galaw niya kaninang umaga? Did I just assume that we're okay?

Bakit parang galit pa rin siya sa'kin?

I gasped nang biglang may naisip!

O baka naman dahil sa nangyari kay Seraphia. Did she told him? Nakita niya ba ang sugat kaya siya galit sa'kin?

Nag papanic ang kaloob-looban ko at pinag laruan ang aking mga daliri sa labis na kaba.

I opened my mouth to say something and explain pero sa sobrang gulo ng utak ko ay hindi na ako makapag isip ng sasabihin.

Kaya ba siya galit dahil sinaktan ko ang fiancé niya?

“H-halcon…” Bigla akong natakot sa reaksiyon niya. Ayokong madagdagan pa ang galit at inis niya sa'kin.

“Kasi—”

“Bumalik ka na sa baba. May gagawin pa ako,” putol niya sa sana ay sasabihin ko at dali-daling naglakad at nilagpasan ako.

Gusto ko lang naman mag explain kung bakit ko iyon nagawa. Hindi naman ata fair na ang babaeng 'yun lang ang pakikinggan niya!

Tumalikod na rin ako para habulin siya. Lakad-takbo ang ginawa ko dahil sa malalaking hakbang niya.

“Halcon, ano... Magpapaliwanag ako.” I tried to get his attention pero tuloy tuloy pa rin siya.

Finally, he stopped in front of a puddle of ropes on the floor. Hinila niya ang dulo ng tali at inikot-ikot sa kanyang braso at palad para irolyo iyon.

“Umalis ka na. May mga gagawin pa ako,” he coldly stated without even looking at me.

“Pero 'yung kanina—”

“Kung gusto mo sa kanya. Doon ka! Hindi na kita pipilitin pa.”

Nagulat ako sa bigla niyang pagtaas ng boses at napa atras ng isang hakbang. “A-anong sinasabi mo?”

“Gustong-gusto mo talaga akong sinasaktan ano?” He finally looked at me with evident pain in his eyes.

“Halcon…” Hindi ako alam ang sasabihin. Naguguluhan ako.

“Hindi mo na kailangang harap-harapang ipamukha na ayaw mo sa akin. Hindi na kita pipilitin.”

“Ano ba ang pinagsasabi mo riyan? Hindi kita maintindihan.”

“Na ayaw mo sa akin habang ako, halos mabaliw na sa pangangarap na sa'yo!” tila napigtas ang pisi ng kanyang presensya ng sigaw niya. Ang taling hawak niya ay basta na lang niyang ibinalibag sa isang gilid kaya gumawa iyon ng malakas na ingay.

Pirate's Stella (Pacifico Trilogy #1)Where stories live. Discover now