KABANATA 14

4.3K 229 82
                                    

Trapped•••

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Trapped
•••

“Diyan? Paano mo makikita ang isla riyan?” Is he kidding me? On the crows nest? There's no way na aakyat ako riyan. It's so high and I'm not even sure if it's strong enough to carry my weight.

At saan ba ang islang sinasabi niya?

“Natatakot ka bang umakyat diyan?” Nang uuyam na tanong niya habang may naglalarong ngiti sa mga mata niya.

“Oo! Natatakot ako. Bakit ba kailangan ko pang pumunta diyan? At nasaan ba 'yung isla?” pag tataray ko.

“Nasa taas. Halika na.”

“A-anong nasa taas?! Ginuguyo mo ba—” Hinuli niya ang braso ko and dragged me on the net that is diagonally suspended on the air. Gawa ito sa makakapal na lubid. Mahaba iyon at umaabot hanggang sa crows nest. It looks like those obstacle nets you see on trainings.

“Kaya mo bang umakyat diyan?” Napanganga ako sa tanong niya. Surely he was just jesting right?

“Aakyat ako rito?” Hindi makapaniwala na itinuro ko ang net. “Nagbibiro ka lang di ba?”

Umiling iling siya.

“Kung hindi mo kaya, pwede mong gamitin ang lubid o kaya ay ang hagdan.” Then he pointed the thick single rope and the ladder made of wood na mukhang inaamag pa.

Napalunok ako at umiling-iling. Those were even riskier choices.

“Halcon, akala ko ba, titingnan natin ang isla? Bakit kailangan ko pang pumunta riyan?”

“Huwag kang mabahala. Sasamahan kita,” he tried to convince me. Ang mga mata niya ay matiim na nakatitig sa'kin, urging me to trust him.

“Magtiwala ka sa'kin.” He gripped the net para bumaba ito ng kaunti. “Halika na.” Inilahad niya ang kamay sa akin.

Huminga ako ng malalim at inabot iyon.

I yelped when he effortlessly gripped my waist at isinampa ako sa net. Agad siyang sumunod sa'kin.

I let out a nervous scream nang malakas na umalog ang net. Tumawa lang siya kaya sinapak-sapak ko ang matigas na braso niya.

Hindi ako makukuha ng tawa niya no matter how handsome he is when he laugh. This time, mas nananaig ang nerbyos at pagka inis ko.

Kung alam ko lang na niloloko ako ng lalaking ito ay hindi ako nag pahila.

“Kaya mo bang ihawak ang kaliwang kamay mo?” I glared at him pero tumango rin.

“Kung gano'n ay mauna ka.”

“Are you kidding me!? Ako pa talaga ang pauunahin mo?”

“Aalalayan kita sa pag akyat mo. Hindi kita mapoprotektahan kung ako ang mauuna,” he reasoned out saka inilahad ang kamay para paunahin ako.

Pirate's Stella (Pacifico Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon