KABANATA 39

3.1K 157 80
                                    

Forgotten•••

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Forgotten
•••

Gamit ang dulo ng kanyang kumikinang na sapatos ay sinipa ni Gideon and isang piraso ng sunog na kahoy na dati ay isang matibay bahagi ng Agness.

Namulsa siya at humugot nang malalim na hininga. Tumingin siya sa dagat na pumapaligid sa Marguerite.

Siya at ang dalawa niyang kapatid na sina Halcon at Gabriel ang nag desinyo at nagplano sa paggawa ng Agness. Ginawa nila ang barkong ito para maging matibay sa panahon ng mga kalamidad at digmaan na nararanasan sa gitna ng karagatan.

Ngunit ngayon ay tila hindi na ito makilala. Sira ang malaking bahagi nito dahil sa mga sunog na dulot ng mga pampasabog. Halos papalubog na rin ito nang maabutan nila.

Kung hindi lamang sa kakaibang tulong na ginawa ng mga balyena at pating upang panatilihin itong nakalutang ay nasa ilalim na ito ng karagatan. Hanggang ngayon ay pala isipan pa rin sa kanya kung bakit iyon ginawa ng mga hayop.

Pinaghandaang mabuti ni Santiago ang kanyang pag-atake, dahil kung hindi ay hindi ganito ang aabuting pinsala ng barko.

Nang makarating sa kanya ang sulat na papunta na sina Halcon upang kunin ang kayamanan ay agad niyang inihanda ang kanyang barko at mga tauhan upang salubungin ito. Alam niyang magtatagumpay ang kanyang kapatid sa kanilang misyon.

Pero sila ang nabigla sa naabutan. Dalawang barko ang nagpapalitan ng pampasabog, ang Agness ay halos wala ng matira habang ang mas malaking barko ay patuloy sa pag pulbos sa Agness.

Hindi sila nagdalawang isip na gamitin ang kanilang mga kagamitan at mga tauhan upang tulungan ang mga tao ng Agness. Nagawa nilang pabagsakin ang Brilyante at hinila ang hindi na makilalang barko ng kapatid, at ang mga tauhan nito pabalik sa Marguerite.

“Ano ang masasabi mo, ginoong Marfis,” tanong ni Salom na nasa kanyang likuran na kanina pa siya pinagmamasdan, hinihintay ang kanyang palagay.

“Wala na itong pag-asa, hindi na natin ito maisasalba pa,” diretsang sagot niya patungkol sa sitwasyon ng Agness.

Bumuntong hininga ang matanda at saka tumango na tila inaasahan na ang sagot na iyon. Ngunit hindi niya pa rin mapigilan ang malungkot. Hindi lamang ito isang lalagyanan na lumulutang sa dagat, ilang taon na rin nila itong nagsilbing tahanan at proteksiyon.

“Kailangan na nating gumawa ng panibago,” sabi ni Gideon habang may mga namumuong ideya sa kanyang isipan patungkol sa bagong barko na bubuuin.

“Kung ganoon ay ipapaalam ko ito kay Seymour,” ani Salom.

“Mabuti pa nga,” sang-ayon niya.

Akmang aalis na sana si Salom nang makita nila ang humahangos na si Fedor.

“Salom! Salom!” Tumatakbo pa ito habang isinisigaw ang pangalan ni Salom.

“Fedor! Ano'ng nangyari?” maagap na tanong niya sa binata.

Pirate's Stella (Pacifico Trilogy #1)Where stories live. Discover now