KABANATA 6

5.1K 230 29
                                    

Dress•••

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dress
•••

“Kung wala tayong mararanasang bagyo ay maaari tayong makarating doon sa ikalawang araw ng kabilugan ng buwan…”

Kumunot ang mukha ni Halcon sa biglaang pagtigil ni Xaun sa pagsasalita. Ang tingin nito ay wala na sa mapang hawak nito kundi sa kanyang likuran.

Natulala ito na tila nahalina.

Lumingon siya upang tingnan ang dahilan ng pagkawala nito sa sarili.

Ngunit maging siya ay napako sa kinatatayuan at natulala sa nakita.

Marahang naglakad si Avyanna sa palapag ng barko.

Mahinhin itong ngumingiti at tila nahihiya sa kanyang mga tauhan na tulala rito. Wala sa sariling nagbibigay daan ang mga ito sa magandang diwata na mabining naglalakad suot ang bestida nito na tila gawa sa gintong sinulid.

Ang sumbrero nito ay bahagyang itinatago ang makinis at mamula-mula nitong pisngi sa tuwing iyuyuko ang ulo.

“Nandito ka lang pala.” Bahagya itong ngumiti sa aking direksyon bago nito tiningnan si Xaun na nag peke ng isang ubo.

Natatauhang nag iwas siya ng tingin. Napansin niyang karamihan ay nakasunod parin ang mga mata ng kanyang mga tauhan kay Avyanna.

“Ano ang tinitingnan niyo? Ipagpatuloy ang trabaho!” madiin niyang sigaw sa mga ito saka binalingan ang babae sa kanyang harapan.

“Lumabas ka na pala.” Pilit na tinakpan ang paghanga na nararamdaman at pinatigas ang kanyang boses.

“Oo. Bored— nababagot na kasi ako sa loob saka maayos naman na ang pakiramdam ko, kaya ko naman na,” anito at muling sinulyapan si Xaun sa kanyang gilid.

Tiningnan niya ang lalaki nang matalim at pasimpleng iniharang ang kanyang katawan upang mawala ito sa paningin ni Avyanna.

Narinig ko ang pag ngisi nito sa aking likuran pero hindi ko na lamang pinansin.

“Bakit ganyan ang suot mo?” Galit ang kanyang boses at naiinis siya sa sarili, dahil kahit anong pilit niyang iiwas ang mga mata ay tumutuon ang mga iyon sa punong bundok ng mapuputi nitong dibdib.

“Huh? Ito naman 'yong binigay mo kanina, remember?” Iyan nanaman siya sa pagsasalita ng lenggwaheng hindi ko maintindihan.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at umirap, nagtitimpi.

Kung bakit ba naman kasi hindi niya muna binusisi ang laman ng mga kahon bago niya ito ibinigay.

Ayon kay Lagum, ang kanyang tagapamahala ng mga kagamitan at kargada ay mga mamahaling damit pambabae lamang ang mga iyon. Pinagkatiwalaan na lamang niya ang salita ng tauhan at kinuha ang mga kahon.

“Ngunit bakit ganyan ang suot mo?” Binigyan niya ng madiin na tingin ang parte ng katawan nitong hindi dapat naka ladlad sa paningin ng iba.

Ibayong pakiramdam ang lumukob sa kanya. Hindi niya gusto ang kaisipang may ibang lalaking nakaka kuha ng sulyap sa parte ng katawan nito.

Pirate's Stella (Pacifico Trilogy #1)Where stories live. Discover now