KABANATA 35

3.2K 164 18
                                    

Rejuvenated•••

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Rejuvenated
•••

“AVYANNA!” sigaw ni Halcon at walang pagdadalawang isip na lumambitin sa tali at dumausdos pababa.

Mabilis na tinakbo niya ang barandilya kung saan kanina lamang ay nakita niyang naroon ang dalaga. Huli na nang kanyang masaksihan ang pagka hulog nito sa maalon na dagat.

Pati na ang ibang kasamahan ay lumapit upang bistahan ang nangangalaiting dagat.

Sinilip niya ang nagkulay abo at bughaw na tubig upang hanapin ito. Nang walang makitang senyales ng dalaga ay mabilis na kinuha niya ang mahabang bungkos ng tali at mahigpit na ipinulupot niya ito sa kanyang katawan. Ibinuhol niya ang dulo nito sa barandilya.

“Huwag niyong hihilahin ang tali hanggang sa hindi ako mismo ang umaahon,” mariing bilin niya sa mga tauhan.

“Ngunit kapitan—” apela ng ilan na hindi na pinakingggan ni Halcon dahil tumalon sa ito sa galit na karagatan upang iligtas ang babaeng minamahal.

Walang nagawang napa buntong hininga na lamang sila. Bigong initsa ni Galen ang suot na basang sumbrero sa sahig at namaywang.

Hindi nila nais mawala ang babaeng naging mahalagang parte na ng kanilang buhay. Sa mga buwan na nakasama nila ito ay itinuring nila itong anak, kaibigan at kapatid. Ngunit hindi rin nila gustong mawala ang kanilang kapitan.

Sa isang gilid naman ay naroon si Mason, bagsak ang kanyang mga balikat at nakakuyom ang mga palad. Palihim niyang sinisisi ang sarili sa nangyari.

Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat, si Galen.

“Huwag mong sisihin ang iyong sarili. Walang may gusto sa nangyari.”

Kumurap-kurap ang binatilyo upang pigilan ang mga luhang nagbabanta sa kanyang mga mata.

“Ngunit kung hindi dahil sa 'kin ay hindi ito mangyayari sa kanya. Iniligtas niya ako at ngayon ay siya naman ang nasa kapahamakan,” garalgal ang boses na sagot niya.

“Huwag mong isipin iyan. Alam kong kung bibigyan ng pangalawang pagkakataon ay gagawin ulit iyon ni Avyanna. Huwag kang mabahala, hindi hahayaan ni kapitan na mawala si Avyanna.”

Tumingin si Mason kay Galen at alam nila pareho na tama ang kanyang sinabi. Ngunit ipinapangamba nila na kung hindi na mailigtas si Avyanna ay hindi iyon kakayanin ni Halcon, at maaaring maging siya ay tuluyan na ring mawala sa kanila.

Labing pitong minuto na ang lumipas ngunit hindi pa rin umaahon si Halcon. Ang naka rolyong lubid ay patuloy na nahihila at unti-unting umiiksi. Hindi alam kung kusang lumalangoy ang kapitan sa kailaliman ng dagat o ang bigat ng walang buhay na katawan nito ang humihila sa lubid.

Samantala, nakarating ang balita sa unang palapag ng barko kung saan abalang inaayos nina Salom ang mga sira. Ibinilin niya ang gawain kina Matias at mabilis siyang tumakbo sa taas.

Pirate's Stella (Pacifico Trilogy #1)Where stories live. Discover now