KABANATA 2

3.4K 238 44
                                    

~~★~~

Althea POV

Mayamaya lang din ay pinatunog ko ang mga buto ko sa kamay na parang handa ng makipagsuntukan habang naglalakad pa din para hanapin ang lalakeng iyon. Hinawakan ko din ang aking suot na mahabang damit at tinaas para mas makalakad ako ng mabilis.

“Prinsesa, mag hunos dili ka ho muna, baka mapagalitan na naman kayo ng inyong, ama” pagpapakalma saaken ni Deltha na halos lakad-takbo ang kanyang gawin dahil sa bilis ko maglakad.

“Wala akong pakealam” sagot ko at nakakasalubong ko pa ang ilang mga kawal at tagapagsilbi dito sa palasyo kaya binati at nagbigay galang naman sila saaken. “Nasaan ang silid ng, prinsepe?” Tanong ko sa mga nadadaanan kong tagapagsilbi.

“Prinsesa–”

“Sa ikatlong kwarto ho prinsesa, pagkalagpas sa inyong silid” sagot ng isang kawal kaya tumakbo na ako papunta doon.

*Blag*

“Prinsesa!” gulat na sabi ni Deltha ng sipain ko ang pintuan kung saan naroroon ang prinsipe.

Tumigil naman ako ng mabuksan ko ang pintuan at ginala ko ang tingin ko sa buong silid para hanapin ang prinsepe.

“Prinsipe Alexander! Lumabas ka riyan!” tawag ko sakanya ng nakakunot ang noo at puno ng inis at galit ang mukha.

“Prinsesa–”

“Hindi ako kakalma Deltha, hanggat hindi ko nakikita ang isang 'yon” putol ko sa sasabihin ni Deltha. “Prinsepe Alexander, mag-usap tayo!” tawag ko ulit sa prinsipe.

Nakarinig naman ako ng kaluskos sa gilid kaya napatingin ako doon at napansin kong may tao sa likod ng aparador kaya naglakad ako papunta doon at nakita ko nga ang prinsipe na nagtatago.

“Magandang hapon ulit sayo prinse–sa. A-aray!” bati niya ulit saaken pero agad kong hinila ang kwelyo niya para magkaharap kami. “Ang lakas mo naman–”

“Anong ginawa mo?” Tanong ko sakanya at nilagay ko sa aking bewang ang dalawa kong kamay bago ko siya tinaasn ng kilay.

“Ang taray. Nakakatakot ka naman–“

“Talagang nakakatakot ako kapag hindi mo sinabi kung bakit ganon ang nangyare sa silid ko” madiin kong sabi at lumapit pa sakanya habang nakatingila ako sakanya.

“Alin– aray! Prinsesa naman, masakit yun” sabi niya at hinaplos-haplos ang binti niyang sinipa ko.

“Talagang masasaktan ka kapag hindi ka pa rin nagsalita” sabi ko at pinanlakihan ko na siya ng mata.

“Hindi mo nakita yung note na iniwan ko sa lamesa– ugh! Aray ko! Nakakatatlo ka na ahh!” reklamo niya ng idikit ko yung note na sinasabi niya sa kanyang dibdib na halos itulak ko na siya.

“P-p-prinsesa” kinakabahang tawag saaken ni Deltha kaya kunot noo ko siyang tinignan at napatingin ako sa tabi niya at nawala ang inis at galit ko sa mukha at napalitan eto ng kaba ng makita ko si ama at si Haring Elthon.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon