KABANATA 30

323 33 1
                                    

~~★~~

Alexander POV

Sumapit ang tanghali at nawiwili sa pakikipag-usap ang triplets kay, Vinnice. Andito ako ngayon sa labas at nagpapahangin kahit mainit dito sa labas.

Nababagot na ako. Nasa loob silang lahat at ako lang kase ang naririto sa labas. Ngunit bigla akong nagulat nang may biglang lumipad na palaso saaken at mabuti na lang at mabilis akong nakailag.

Napadako ng aking mata kung saan nanggaling ang palasong iyon. Sa likod ng puno. Pinulot ko yung palaso na saaken sana tatama at pinuntahan ang likod ng puno.

Mayamaya lang meron ulit isang palasong lumipad papunta saaken kaya umikot ako sa ere at paglapag tumaas ako ng kahoy ng mabilisan.

Etong harap kasi ng bahay nila Bea, puro puno na. Lumukso ulit ko papuntang kabilang puno at doon nagtago.

"Nasaan na?" Rinig kong sabi ng isang nakamaskarang lalake.

"Hayaan na naten, tara na" sabi ng isa niyang kasama niya.

Ngunit bago pa sila makalayo tumalon na ako sa harap nila at tanging hawak ko lang ay ang palaso.

"Sino kayo?" Seryoso kong tanong.

"Prinsipe Alexander" bangit niya sa aking pangalan.

"Ano ang kailangan niyo?" Tanong ko ulit.

"Buhay ng mahal mo" sabi niya at inatake ako bigla ng hawak niyang espada.

Mabilis naman akong umilag at umikot para mgpalit kami ng p'westo. Hinanda ko ang aking kamao at ganon rin ang ginawa niya sa kanyang espada.

Nauna siyang sumugod saaken kaya umilag ulit ako. Mabilis kong sinipa ang kanyang kaliwang paa ngunit hindi siya natumba at sumugod naman yung isa at pina-ikutan ako.

"Ano ang kailangan niyo sa, prinsesa?" Seryoso kong tanong.

"Ang buhay niya" Sabi nung unang lalake at inihanda ang kanyang pana.

"Mag-isa ka lang, dalawa kami" sabi naman nung ikalawa.

"Hindi nababase sa rami ang lakas ng isang tao, yan ang tatandaan mo, at hindi rin nababase sa edad ang kakayahang lumaban" saad ko at lumipad ng mataas sa ere at sinipa silang dalawa sa ulo.

Nang bumagsak sila inagaw ko ang espada nung isa at itinutok sa kanilang dalawa habang nakaapak naman ang kanan kong paa sa kamay nung unang lalake.

"Ngayon sabihin niyo, sino ang nag-utos sainyo?" Sabi ko.

"Wala kang malalaman saamen kahit patayin mo pa kami" matapang na sabi nung ikalawa.

"Alam mo bang hindi pa ako nakakapatay ng tao? Baka gusto mong mauna ka?" Walang emosyon kong sabi.

"Gawin mo"

Itinapat ko sa leeg niya ang espada at handa na sanang gilyitan siya ng biglang may magsalita.

"Huwag" Rinig kong sabi ng isang babae.

Napalingon naman ako sakanya ngunit hindi pa rin inaalis ang paa at espada sa dalawa.

"Sino ka?" Tanong ko

"Ako si Cleo, mapagkakatiwalaan mo ako." Sabi niya

Nakasuot siya ng kapang itim na nakabalot sa buo niyang katawan at nakabuhaghag ang itim niyang buhok.

"Paano ako nakakasigurado?" Tanong ko.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon