KABANATA 44

230 19 1
                                    

~~★~~

Althea POV

Nagsimula ulit tumunog ang violin saka naman tumutok saaken ang isang ilaw.

Unang lumapit saaken ay si Haring Elthon. Hinawakan niya ako sa magkabilang bewang at saka ako dahan-dahang isinayaw.

"Maligayang kaarawan, Althea" nakangiti niyang sabi.

"Maraming salamat ho" nakangiti ko rin na sabi.

"Siguradong masayang-masaya ka ngayon" Simula niya ng usapan. "Alam mo bang noong bata ka pa, saaken ka tumatakbo kapag nag-aaway kayo ni, Alexander" natatawa niyang sabi.

Naalala ko naman ang mga pangyayareng ganon at natawa naman ako.

"Opo hahaha, nakakamiss nga ho na maging bata" Sabi ko.

"Oo nga. Pero ngayong malaki ka na ang tanging hiling ko lamang ay ang kaligtasan at kalusugan mo. Sigurado rin akong aalagan ka ng aking anak" nakangiti niyang sabi saka ako binitawan at ibinigay sa susunod na hari.

"Maligayang kaarawan Althea" bati naman ng ama ni Harold. Nakita ko kasing magkatabi sila sa upuan kaya nakilala ko siya.

Kinausap niya rin ako gaya ni Haring Elthon. Naisayaw at nakilala ko pa ang ama nila Agatha, Charrise, Anitha, Dalla, Eunice at Cheska. Ang babait nilang talaga at iisa ang kanilang hiling para saaken, nakakatuwa naman.

"Yan dalaga na si miss minchin" lapit saaken ni Harold at hinawak ang isang kamay sa aking bewang at yung isa naman ay sa aking kamay.

"Miss minchin ka jan. Batukan kaya kita jan" mahinang singhal ko sakanya.

"Hanggang dito ba naman mambabatok ka? Grabe ka talaga sa kasadisthan, Thea oo" biro niya.

"Nagbibiro lang" nakangiti kong sabi habang sinasayaw niya ako.

"Biro lang din. Maligayang kaarawan sayo, wag ka sanang magbabago. Hinbi ko na papahabain ang aking sasabihin dahil baka umiyak ka pa" natatawa niyang sabi.

"Yabang mo" Sabi ko.

"Hahahaha. Hiling ko sanang manatili kang ligtas at masaya sa mga susunod na araw, at palagi mong tatandaan. Nandito lang kami para sa'yo" Sabi niya saka yumuko sa harap ko at ipinasa ako kay Simon.

"Maligayang kaarawan sadistang prinsesa–"

"Aray. Bakit? Totoo naman ahhh" dating niya ng palihim ko siyang kurutin sa braso. "Hindi biro lang, pinapatawa lang kita. So ayun nga maligayang kaarawan, yun lang masasabi ko sayo dahil araw-araw naman tayong nagkakasama hahahaha. Basta yung pangako mo saamen ha, tutuparin mo yun kundi..."

"Kundi ano?"

"Kundi... wala wala, kalimutan mo na basta manatili kang ligtas at kapag may ginawang katarantaduhang si Xander, sa'yo tawagin mo lang ako at gugulpihin ko 'yon" Sabi niya.

"Hahahahaha oo naman. Ikaw din alagaan mo si Anitha at sasapakin kita, kapatid mo 'yon" natatawa kong sabi.

"Sos, oo naman. Ohh siya ipapasa na kita kay, Rafael" Sabi niya. "Maligayang kaarawan ulit, Althea" Dagdag niya at saka naman lumitaw si Rafael sa aking harapan.

"Happy birthday, Avie" nakangiting bati niya.

"Salamat^_^"

"Ano bang pinagsasabi ng mga 'yon?" Tanong niya.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon