KABANATA 42

247 20 0
                                    

~~★~~

Althea POV

"Prinsesa, nandirito na ho ang mga magulang ng inyong mga kaibigan" Sabi ng isang tagapagsilbi.

Napalingon naman ako sakanya tsaka kina Tita Gabriella.

"Papasukin niyo po sila rito" utos ko at ibinaba ang hawak kong suklay saka tumayo para salubungin sila.

"Althea iha. Maligayang kaarawan sa'yo" nakangiting bati ni Tita Queenie saaken saka humalik saaking pisngi.

"Maraming salamat ho" Sabi ko at binati rin sila tito. "Kasama niyo ho ba sina, Dalla?" Tanong ko at lumingon sa kanilang likod.

"Hindi iha. Nandoon sila sa labas, ewan ko ba doon kung ano ang ginagawa kasama sina, Oliver" Sabi niya.

"Ahh..." Sabi ko.

Tumingin naman ako sa mga tagapagsilbi at nakuha naman nila ang gusto kkng sabihin kaya lumabas silang lahat at tanging natira ay kami nila tita, tito at sila Tita Gabriella.

"Natanggap namen ang iyong sulat iha, may maitutulong ba kami sa'yo?" Nag-aalalang sabi ni Tito Aron.

Bumuntong hininga naman ako saka ngumiti sakanila.

"Gusto ko ho sana... mamaya... ilabas niyo sila Dalla dito... ayoko ko ho mapahamak sila ng dahil saaken" nakayuko kong sabi habang pinaglalaruan ang aking kamay.

*Flashback*

Ng matapos magsalita si ina, aalis na sana kami ni Alex, ng biglang lumitaw sa harapan ko ang isang babae.

"Althea^_^" nakangiti niyang bati saaken at yumuko sa harapan ko.

"Sino ka?" Tanong ko

"Awww, hindi mo pa rin ako naaalala?" Nakanguso niyang sabi.

Tinignan ko naman siya ng maigi at lumapit sakanya ng konti.

"A-a-aleesha?" Naauutal kong sabi. Ngumiti naman siya at sunod-sunod na tumango. "Hala! Pasensya na" Sabi ko at dali-daling lumapit sakanya at niyakap siya.

Siya ang isa sa mga pinsan ko na matagal ko na din kasama simula pagkabata. Nakikita ko siya sa aking mga alaala ngunit hindi ko masyadong natatandaan ang kanyang pangalan noon.

"Nagagalak akong nakilala mo na ako. Kundi talagang papatayin kita, nakakatampo ka ha" parang bata niyang sabi at niyakap niya din ako. "Hello!" Rinig kong sabi niya kaya napalingon ako kay Alex. Ngumiti lang siya sakanya at tinignan ako.

"Halika na, kanina ka pa jan nagtago alam naman nilang nandirito ka" nakangiti niyang sabi.

Ngumuso naman ako ng sabihin niya yun. Hinawakan ko naman si Alex sa kamay saka kami naglaho at nagpakita sakanila.

"Makulit na, prinsesa" Sabi ni ina

"Para ka nga talagang si, Erethrea" Sabi naman ni Ama.

"Hehehehehe peace" Sabi ko at ngumiti pa sakanila at tumawa naman sila ng mahina.

"Narinig mo na naman lahat. Ano sa tingin mo, Althea?" Tanong saaken ng hari, ama ni Alex.

"Unang-una po pwede ho ba akong sumulat sa mga magulang ng aking mga kaibigan?" Tanong ko.

"Bakit naman iha?" Tanong ni tita Andrea.

"Ayoko ko ho na madamay sila rito, isa pa ho alam kong ako ang dahilan kung bakit nangyayare eto... kaya kung maari ho sana payagan niyo akong kausapin sila bukas, hindi ko pwedeng hayaan na may mangyare sakanila" paliwanag ko.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon