KABANATA 53

283 16 0
                                    

~~★~~

Althea POV

"Ano? Hindi pa rin kayo nagsasawa?" Mapangasar niyang tanong habang hawak pa rin ako sa aking buhok.

Kanina pa namumuo ang galit sa aking loob at kakaiba na ang aking nararamdaman.

"Bitawan mo si Althea, ngayon din!" Sigaw ni Tita Andrea sakanya at nilahad ang kamay bago lumabas ang isang malademonyong mukha sa kanyang likuran.

"Hahahahahahahahaha akala mo matatakot mo ako sa ganyang kapangyarihan? Ilang oras na lang at mapapasaakin na ang kapangyarihan ng minamahal ninyong pamangkin!" Saad niya.

Bigla naman lumitaw si Inang Elijah sa aking harapan at nagulat siya ng makita ang duguang katawan ni Elethea sa tabi namen. Tumingin siya kay Hermina na parang galit na galit ngunit biglang nag-iba ang kanyang ekspresiyon at tumingin saaken.

"Anong ginawa niyo sa aking anak?!" Magkahalong gulat at galit niyang sabi at tumingin saaken ng matalim. "Ikaw! Kayo! Kayo ang may gawa neto sa anak ko hindi ba!? Anong ginawa niyo?!" Dagdag niya at hinawakan niya ako sa panga ng napakahigpit at lalapit na sana ulit sila tita ng umiling ako.

"Pinatay niya si Elethea, gamit ang kutsilyong eto dahil sa saaken na kumampi ang kanyang kapatid" seryoso at kunwareng nagagalit na sabi ni Hermina at hinigpitan pa ang hawak saakeng buhok.

'Wag kayong titigil' Saad ko sa aking isipan na ipinaparating sakanila na wag tumigil sa pakikipaglaban.

'Ngunit–' hindi na itinuloy ni tita Cleo ang kanyang sasabihin.

*Pak*

Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi kaya napailing ako dahil sa lakas neto ngunit ngumisi ako at inayos ulit ni Hermina ang aking ulo paharap kay Inang Elijah.

"Wala ka ng nagawang tama, Althea! Puro na lang kamalasan! Hinding-hindi kita mapapatawad sa iyong ginawa!" Galit niyang sabi at sinuntok ako sa tiyan ng paulit-ulit.

"Hindi mo siya anak" nakangisi kong sabi at parang wala lang saaken ang kanyang mga suntok.

"Anong sabi mo!?" Napatigil siya at hinawakan ulit ang aking panga at nanggigil na hinawakan eto.

"Hindi mo siya anak dahil anak siya ni Ina! Ang kapal ng mukha mong saktan si Elethea, ng ganon ni hindi mo naman pala siya anak! Alam mo ba yun?! Hindi mo siya anak! Kapatid ko siya at si Inang Erethrea, ang nanay niya!" Sigaw ko sa mukha niya kaya nagulat naman siya at biglang bumalik sa dati ang kanyang mga mata.

Alam kong hinihipnotismo ni Hermina si Inang Elijah, at saaken sinisi ang lahat na nangyare kay Elethea ngayon.

Nanghihina siyang tumingin saaken at ni isang awa ay hindi ako nakaramdam.

Nalaman ko eto noong tinanong ko mismo si Inang Erethrea.

*Flashback*

"Ina may tanong ho ako" seryoso kong sabi at huminto ng panandalian at tinitigan siya ng seryoso. "Si Elethea, kapatid ko ho ba siya?" Tanong ko.

Wala naman akong mabakas ni isang reaksyon sa kanyang mukha kaya kinutuban ako.

"Kapatid mo siya ako man o si Elijah ang ina ngunit iisa lamang ang nagluwal sakanyang tunaw" Sabi niya at ngumiti. "Ako ang ina niya mahal ko" dagdag niya at hinawakan ako sa balikat.

"Paano po?" Naguguluhan kong tanong.

"Sampong taong gulang ka noon ng magkamalay ako at nagkita kaming muli ng iyong ama ng simulan kong bantayan ka, at isilang ko si Elethea, matapos ang ilang buwan. " Sabi niya at tumango naman ako.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon