KABANATA 13

668 87 1
                                    

~~★~~

Althea POV

*Bang* *Bang* *Bang*

Araw ng miyerkules ngayon, dalawang araw na makalipas nang mapanaginipan ko iyon at hanggang ngayon naghahanap ako ng kasagutan kung sino ba talaga ang dalawang babaeng nasa panaginip ko.

Kailangan kong malaman kung ano talaga ang nangyare at bakit ako nagkaroon ng amnesia. At isa pa, doon sa parteng inilahad ko ang aking kamay ano ba ang dapat ko sanang gagawin nung mga oras na iyon?

Bukod sa paghaba ng aking buhok at paglaho, ay may iba pa akong kapangyarihan?

“Woii Avie, tulala ka?” Biglang sulpot ni Dalla sa tabi ko. “May problema ba?” tanong niya.

“Sa totoo lang marami” sabi ko “Hirap na hirap na akong alalahanin ang lahat” dagdag ko.

“Huwag mong pilitin maalala lahat, mahihirapan ka lang tskaa andito lang kami, pwede mo kaming pagsabihan, pwede mo ring ikwento saamen ang mga naaalala mo baka makatulong kami” Sabi niya sabay hawak sa aking kamay.

“Salamat, Dalla” nakangiting tugon ko sakanya. “Mamaya pwede ba kayong pumunta sa aking silid? May mga itatanong lang ako” Dagdag ko.

“Sige ba, akong bahala sakanila” nakangiting sabi niya.

“Oy Avie, ikaw na dito!” Tawag saaken ni Oliver.

Nagpaalam naman ako kay Dalla, bago ako naglakad papalapit kay Alex, para ipagpatuloy ang aming pagsasanay.

Eto na ang araw ng pagsasanay ko sa paghawak ng baril at matuto kung paano bumaril, andito ulit silang lahat dahil wala naman raw silang gagawin sa loob. Nakakabagot raw, kaya papanoorin na lang daw nila ako.

Nang makalapit ako kay Alex umatras naman si Oliver at ibibigay saaken ang baril na hawak niya.

“Ituwid mo ang iyong katawan” agad na sabi ni Alex “Tsaka irelax mo lang lang pati ang iyong kamay at braso, kung nagawa mo sa pagpapana magagawa mo rin rito aking, pinsesa” Dagdag niya pa at pumwesto sa aking likuran.

Ramdam na ramdam ko ang kanyang hininga kaya hindi ko mapigilang mailang.

“Oyy Xander, 'wag kang tyansing! 'Wag masyadong malapit woii!” Sigaw ni Dalla, ngunit hindi siya neto pinansin. “Aba hindi mo na ako pinapakinggan ngayon!” Sigaw niya ulit ngunit inawat na siya ni Agatha bago pa siya makalapit saamen.

“Bea, kalma ang beauty mababawasan. Inhale exhale. Yan ganyan nga kalma lang.” sabi ni Charisse sakanya.

Pfft.

“Focus Vinnice. Now release” Saad ni Alex kaya agad naman akong sumunod.

*Bang*

Napaitad naman ako ng pumutok ito. Natamaan ko kaya?

*Clap* *Clap* *Clap*

“Whoo! Bullseye!” Sigaw ni Earl

“Nice shot, Thea!”

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon