KABANATA 43

234 17 0
                                    

~~★~~

Althea POV

Sa wakas at natapos na rin ang pag-aayos saaken. Tinignan ko naman ang aking sarili muna sa salamin, nakapaikot ang aking buhok at may konting tira-tira sa gilid. Sabi ni tita design raw, hindi naman kakapalan ang palamuti sa aking mukha, may hikaw na pula at may kwintas na sobrang ganda.

Umikot ako at tinignan ang aking likuran, natutuwa ako rito sa malaking laso na nasa aking likuran. Tinaas ko naman yung laylayan ng aking suot at tinignan yung sapatos na aking suot. Crystal white siya at kumikinang din, ang ganda sobra.

Pansamantalang suot ko ang aking korona, eto yung korona ko noong ako ay bata pa lamang kaya medyo maliit siya pero napakaganda pa rin hanggang ngayon.

"Prinsesa, gusto niyo ho ba ng maiinom?" Tanong ni Deltha saaken.

"Tubig" nakangiting sabi ko bago siya lumabas

"Prinsesa, kabisado niyo na ho ba ang mga sasabihin niyo?" Tanong ni Tita Cleo.

"Opo" sagot ko.

Sabi kasi pagkatapos ipasa saaken ang korona may sasabihin pa ako, tch ang haba pa naman non.

Naupo naman ako at kinalikot ang kuko ko, ang bigat sa kuko netong manicure na sinasabi nila. Pero maganda hihihi ang cute ng kulay.

"Althea, iha itago mo ito" biglang sabi ni Tita Gabriella saaken at may inabot na maliit na bato.

"Ano po ito?" Tanong ko at pinagmasdan iyon.

"Sa tingin ko ay para saiyo 'yan hindi ko alam kung ano iyan ngunit binigay iyan saaken ng aming ina noong siya'y nabubuhay pa" nakangiting sabi niya.

"Sigurado po kayong ibibigay niyo eto saaken?" Tanong ko habang pinagmasdan pa rin ang bato.

"Oo naman" nakangiting sabi niya.

"Maraming salamat ho" Sabi ko.

"Walang anuman" Sabi niya.

Narinig ko naman ang pagbukas ng pintuan kaya nation doon ang aking paningin.

"Ama" masayang sabi ko at patakbong lumapit sakanya.

"Madapa ka. Ikaw talaga kahit kailan ang kulit mo" nakangiti niyang sabi. Tinawan ko na lang siya at humalik sa kanyang pisngi. "Magsisimula na ang seremonya ng ilang minuto, hintayin mo si Alexander, rito ha" Sabi niya at nakangiting pinagmasdan ako.

"Opo"

"Ang ganda mo ngayon anak ko"

"Ngayon lang ama?" Nakanguso kong tanong.

"Hahahaha hindi, syempre araw-araw kang maganda, ang ibig kong sabihin ay mas gumanda ka ngayon" Natatawa niyang sabi kaya tumawa naman ako. "Ayusin mo ang iyong paglalakad ha, hindi yung para kang lalake kung maglakad." Dagdag niya at narinig ko namang tumawa sila tita kaya ngumuso ako.

"Ama–"

"Oppss teka lang may sasabihin pa ako" putol niya sa sasabihin ko. "Huwag kang kakabahan sa harap nila, ngumiti ka lang at ituon ang atensyon sa seremonya ha"

"Opo"

"Magaling. Mauuna na ako sayo sa baba, hihintayin namen kayo" Sabi niya at niyakap ako saka umalis.

"Kami rin Althea, lalabas na kami hintayin mo lang ang prinsipe rito ha" Sabi ni Tita Andrea

"Opo. Maraming salamat po^_^" Sabi ko at hinalikan sila isa-isa sa pisngi bago sila lumabas.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon