KABANATA 54

466 18 0
                                    

~~★~~

Althea POV

Pagkasabing-pagkasabi non ni ina biglang nagsilitawan ang lumilipad at napakaraming diwata sa ere, bampira, mga lobo pati na ang mandirigmang makikita mo lamang sa gitnang bahagi ng dagat. At ngayo'y napapalibutan nila kami.

Mangkukulam laban sa apat na iba't ibang lahi ng mga mababangis na nilalang.

"Tapusin sila" utos ko at sa isang iglap lang inuubos na nila ang mga lahi ni Hermina.

Ang mga bampira ay ginagamit ang kanilang bilis, Ganon din ang mga lobo. Ang mga diwata naman ay ginagamitan nila ng mahika ang lahat ng kanilang makakalaban, ang mandirigma naman ay ginagamit ang kani-kanilang kagamitan sa pakikipaglaban.

Nakakagulat pa rin saaken ang pagdating nila ngunit nagpapasalamat ako na nadito sila.

"Avie!/Thea!" Rinig kong sigaw ng aking mga kaibigan ng lumitaw sila mula sa aking likuran kasama si Alexander at ina kaya ngumiti naman ako sakanilang lahat.

"Saan ba 'to pumunta?" Tanong ni Dalla habang nakaturo kay Alex.

"Saan nga ba?" Tanong ko sakanya habang nakangiti.

"Itinapon ako nung napakalas na hangin na dala mo ehh" seryosong sabi niya kaya napatingin naman sila sakanya.

"Totoo?"

"Wee di nga?"

"Saan ka napunta?"

"Hoy grabe ahh hindi nga kami itinapon"

Kanyang-kanya nilang sabi sakanya kaya natawa ako.

"Di biro lang" Sabi niya at saka ngumiti kaya nakatanggap siya ng batok at sampal sakanila.

"Aksidenteng natawag ko siya gamit ang aking isipan kaya pinuntahan niya ako kaagad" Sabi ni ina.

Bigla naman akong nakaramdam ng presensya ng isang tao mula sa malayo at mukhang handa na akong atakihin kaya humarap ako at ginamit ang aking apoy na kapangyarihan para patamaan siya.

"Ang lakas mo na ngayon, Avie" manghang sabi ni Oliver at nginitian ko lang siya.

"Teka muna, paano nangyare yun kay, Elethea?" Tanong ni Simon.

"Ahh yun nakahanda na ang planong iyon kung sakaling bihagin siya ni Hermina. May proteksyon lahat ng kanyang katawan galing kina Tita Cleo, Andrea at Tita Gabriella" Paliwanag ko.

"So acting mo lang din yun?" Tanong ni Agatha kaya umiling naman ako.

"Nagulat din ako syempre kasi hindi ko naman alam na talagang tuluyan niya sa leeg ang aking kapatid, akala ko nga hindi tumalab yung proteksyon niya sa katawan" Sabi ko at tumango-tango naman sila. "Tulungan na naten sila" Sabi ko at ngumiti at tumango naman sila saaken at saka masayang nakipaglaban ulit.

"Hermina!" Rinig kong sigaw ni Elethea kaya napatingin ako sakanya.

Nagtangkang tumakas sina Hermina at ilang metro ang layo niya ngayon kay Elethea. Nilahad niya naman ang kanyang kamay para sana patamaan ng apoy si Elethea ng inilahad niya din ang kanyang kamay at biglang lumabas ang isang napakalakas na ipo-ipo sa kanyang harapan.

Bigla ko naman naalala yung araw na bigla na lang akong natumba ng dahil sa malakas na hangin na dumaan saaken noong nasa syodad pa kami.

"Si Elethea..." Gulat na sabi ni Eunice habang nakaturo sa aking kapatid.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon