KABANATA 9

872 133 4
                                    

~~★~~


Althea POV

Hinintay ko naman ang sagot niya at nanatiling nakatingin sakanya ng diretso sa mga mata at kita kong nag-aaalangan siyang sagutin ang aking tanong.

“Bakit gusto mong malaman, prinsesa ko?" Tanong niya saaken ng seryoso ang mukha. “May bumabagabag ba sa'yo?" Tanong niya kaya umiling ako.

“Gusto ko lang malaman, kung ayaw mong sabihin–"

“It's called amnesia” putol niya sa sasabihin ko kaya napatingin ako ng diretso sa mga mata niya.

“A-ano eto?” tanong ko ulit.

“Ang pansamantala o pwedeng panghabang buhay na pagkawala ng kanyang memorya” Paliwanag niya.

Hindi na ako nagulat ng sinabi niyang eto dahil base nga sa napag-aaralan ko, eto nga ang pagkawala ng isang memorya ng isang tao kapag nauntog ang kanyang ulo sa isang matigas na bagay.

“A-ahhh Thea, siguro bukas na ulit naten ito ipagpatuloy, mainit-init na dito ohh” Alanganing sabi ni Agatha

“Sige tara na sa loob” Yaya ko sakanila ngunit maya-maya lang may naramdaman akong kakaiba kaya napahinto ako sa paglalakad dahilan para mapatingin sila saaken.

“May problema ba, Thea?” Tanong ni Charisse.

Napalingon ako kung saan ko naramdaman ang presensya ng isang tao. Hinawakan ko ang mahaba kong dress at itinaas ng konti para hindi hadlang sa aking pagtakbo bago ako tumakbo papunta sa sa kinaroroonan ng taong iyon at ng makarating ako roon nakita kong may tumalon sa kalapit na puno malapit sa pwesto ko.

“Althea! Hoy, teka lang!" Tawag nila saaken pero hindi ko sila pinansin at nanatiling pinagmasdan ng mabuti ang paligid.

Hinintay ko siyang tumalon ulit sa kabilang puno at ng tumalon nga siya nagulat ako ng bigla na lang gumalaw ang aking mga buhok at humaba ang mga ito kaya naman hindi agad ako nakagalaw. Naramdaman ko na lang na napupuluputan ang taong yun ng aking buhok na nakalutang sa ere.

“Thea!”

“Avie!”

Rinig kong tawag nila saaken dahil din sa pagkabigla at agad na tumalima para tulungan ako at yung taong nakalutang sa ere ng dahil sa aking buhok.

Sa sobrang pagkabigla ko hindi ko na alam kung paano ito matanggal at maibalik sa dati, nararamdaman ko rin na humihigpit ang pagkapulupot ng buhok doon sa tao kaya bumibigat ang aking paghinga dahil sa takot na baka ikamatay niya iyon.

“Thea, kalman kilala namen siya. Kalma lang, inhale exhale” Sabi ni Agatha.

Ginawa ko naman ang sinabi niya kaya naramdaman ko na unti-unti ng lumuluwag yung pagkapulupot doon sa tao, at unti-unti na rin bumabalik sa dating haba ang aking buhok.

Nang makabawi sa pagkabigla, agad akong napatakbo papalapit sa taong yun na sinalo pa nila Alexander, para hindi tuluyang mahulog mula sa pagkapulupot sa buhok ko.

“Pasensya na, ayos ka lang ba?” nag-aalala kong tanong ko sakanya.

“A-ayos lang ako” Habol hininga niyang sabi.

“Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?" Tanong ko sakanya.

Pero hinayaan ko muna siyang makahinga ng maluwag dahil mukhang nasaktan ko nga siya ng malubha. Ng makabawi siya ng hangin nagsalita ulit siya.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon