KABANATA 33

254 29 0
                                    

~~★~~

Beatrice POV

So ayun hindi pa rin ako nakatulog kaya bumababa ulit ako.

"Hoy kayo, hali kayo rito" Sabi ko sakanila.

"Bakit ano yun? Si Avie?" Tanong ni Oliver.

"Ayun tulog" sagot ko. "Sabihin niyo saaken may napapansin ba kayong kakaiba?" Tanong ko.

"Anong kakaiba?"

"Basta kakaiba yung feeling na hindi kayo mapakali yung ganon" Sabi ko dahil hindi ko rin talaga maipaliwanag ang mga nararamdam ko dito sa loob at sa labas ng bahay na eto.

"Bakit may napapansin o nararamdaman ka bang kakaiba?" Tanong saaken ni Alex.

"Meron. Simula ng dumating tayo rito parang palaging may nagmamasid saaten, hindi ko lang alam kung saaten nga ba o kay, Avie. Tsaka yung sa mall yung mga lalakeng yun, may nag-uutos sakanila"

"Teka, ang ibig mong sabihin ay yung araw na sinundan niyo kaming dalawa ni, Vinnice?" Tanong ni Alex.

"Yun na nga"

"Bakit anong nangyare nung araw na yun?" Tanong niya ulit.

"Nakasunod sila sainyo kahit saan, hindi ko malaman kung sino sainyong dalawa ang pakay nila. Pero... yung narinig ko sa earpiece nung lalake na nahuli namen sinabing wag daw kaming sasaktan"

Bigla namang nasikunutan ang mga noo nila.

"Diba nakakalito? Kung hindi nila intensyong saktan kami, tayo bakit nandodoon sila" Sabi ko.

"Hindi lang 'yon" napatingin naman kami kay Alex. "Nung isang araw–" natigilan naman siya na parang may naalala bigla.

He's being weird too.

"Nung isang araw ano?" Tanong ni Rafael.

"Yun na nga parang palaging may nakasunod sa aten, minsan parang may biglang nagmamasid" sabi niya pero parang hindi naman yun ang gusto niyang sabihin.

"Yun nga ang nararamdaman ko mismo araw-araw." Sabi ko

"Saaken iba ang nararamdaman ko" biglang seryosong sabi ni Earl.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Natatae ako" Sabi niya at humawak sa tiyan niya.

"Yuck kadiri ka! Pumunta ka na ngang banyo" Sabi sakanya ni Eunice.

"Eto seryosong usapan nagpapatawa ka hahahahaha" Sabi naman ni Cheska

"Abnormal ka talaga" Sabi naman sakanya ni Simon.

"Ehh natatae na talaga ako. Alangan namang umalis na lang ako bigla sa harap niyo, ang bastos ko naman non" Sabi niya.

"Mas bastos kung uutot ka sa harap namen. Lumayas ka na nga" pagtayabuyan ko sakanya. "Sa susunod na lang naten ipagpatuloy 'to" Sabi ko at tumayo na.

"Ahh Beatrice, sigurado ka bang tulog si, Thea?" Tanong ni Agatha.

"Oo bakit?" Kunot noo kong tanong.

"Kasi ayun ohh" turo niya doon sa labas ng bintana kaya napalingon kaming lahat doon.

Pinaliit ko ang aking mata para makumpirma kung siya nga iyon. Nakatalikod saamen pero kilala ko ang tindig niya.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon