KABANATA 12

701 91 1
                                    

~~★~~

Althea POV

Nang makabalik kami sa aking silid nagulat ako ng makita ang aking mga kaibigan dito sa loob at parang may hinahanap.

“Bakit nandirito kayo?” nagtataka kong tanong sakanila kaya sabay-sabay silang napalingin saamen.

“Avie!/Thea!” sabay-sabay nilang sabi at lumapit saaken.

“B-bakit?” tanong ko ulit.

“Saan ka na naman ba pumunta? kanina nandito ka lang tapos bigla ka na namang nawala. Jino-joke mo ba kami ha?” nakapamewang na sabi ni Dalla.

“A-anong sinasabi ninyong nandito ako kanina, ehh kararating lang namen?” nalilitong tanong ko saka ko binitawan ang braso ni Alexander.

“Nandito ka na talaga kanina at jan ka pa nga dumaan sa bintana. Kaya nga naitaboy namen ang iyong ama” sabi ni Earl “Ngunit kung hindi ikaw iyon, sino?” dagdag niya pa.

“At tsaka lahat kami pati kapatid mo nakitang nandirito ka kanina, papaanong hindi ikaw 'yon?” sabi naman ni charisse.

“Ang aking kapatid?” tanong ko.

“Oo b-bakit?” naguguluhang sabi ni agatha.

“Sigurado kayong ako talaga iyon? Mukha ko ba talaga ang inyong nakita?” hindi makapaniwalang tanong ko.

Grabe sino naman ang gagawa ng ganon?

“As in avie, same dress, face, body, shoes, and even the way you talk. ikaw talaga yun. hindi mo ba kami jino-joke ha?” mapanghusgang tingin at sabi niya saaken.

“Hindi, at bakit naman ako gagawa ng ganon?” depensa ko sa aking sarili.

“Guys believe her, kararating lang talaga namen ni, Vinnice” sabat ni Alex na mukhang naguguluhan din sa sinasabi nila.

“Ok, ok, but ang iniisip ko ngayon sino yung kanina? Atsaka hindi na kami nakapagtanong sakanya kanina kung nasaan si Xander dahil kasi, diba umakyat siya mag-isa jan sa bintana” saad ni anitha.

“Umakyat ng bintana?” tanong ko.

Grabe naman yun ang taas kaya neto.

“Oo astig 'no?” sabi ni Earl kaya nahampas siya ni Dalla sa braso.

“Hindi kaya kalaban siya?” tanong naman ni oliver.

“Bopols! Tinulungan nga tayo paanong kalaban” sabi ni eunice sakanya sabay batok.

“Malay mo ghurl, makabopols naman 'to na hurt ako” pagda-drama ni Oliver at may kasama pang pag-irap.

"Tama na nga 'yan, we’ll find it out if she’s an enemy or not, but atleast she or he helped us” sad ni Rafael. “But the thing is… why did you two just appeared in front of us?” biglang tanong niya.

Ohh oww.

“Ayy oo nga pala, bakit?” dagdag ni Simon na ngayo'y nakapamewang na.

“Hindi bakit, paano?” sabi naman ni Cheska.

“The thing is…” alanganing kong sabi.

“Is…?” sabi nilang lahat, maliban kay Alex.

Tumingin siya saaken at tumango na lang siya, ok I think they need to know it too.

“It’s one of my powers, nakakapaglaho ako” diretsong sabi ko.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon