KABANATA 29

282 31 0
                                    

~~★~~

Althea POV

"Ate gising ka na!?" Sigaw ni Elethea mula sa labas ng aking silid.

"Oo teka lang!" Sigaw ko rin.

Ikalimang araw na namen rito. Dalawang araw na lang babalik na kami ng palasyo kaya eto ipapasyal ulit kami ni Dalla.

"Saan naman tayo pupunta ng ganitong oras?" Tanong ni Harold ng makabalik. "Alas kwarto pa lang ng madaling araw ohh" dagdag niya.

"Sasama ka o hindi?" Taas kilay na tanong ni Dalla.

"Sasama ako 'yoko naman maiwan dito" Sabi niya kaya inismiran siya ni Dalla.

"Aakyat tayo ng bundok" Sabi ni Eunice "For exercise" dagdag niya.

Kaya pala pinagsuot nila kami ng leggings at robber shoes.

"Tara na sayang ang oras oh" Yaya ni Rafael.

*****

"Arghh. Dalla, pagod na ako time-out muna" Sabi ni Simon.

"Sige pero bago mag four-twenty dapat magpatuloy na tayo. Sigurado akong masisiyahan kayo sa makikita niyo mamaya" nakangiting sabi ni Dalla.

"Ate, pahingi ng tubig" pagod na sabi ni Elethea.

Inabot ko naman yung tubig sakanya at nilapitan naman ako ni Alex at pinunasan ang aking pawis.

"Salamat" nakangiting sabi ko.

"Lagyan naten ang likod mo ng towel?" Tanong niya saaken.

Tumango na lang ako. Pumunta naman siya sa likod ko at maingat na inilagay yung towel sa aking likod. Ng matapos, siya naman ang pinunasan ko sa likod.

"Elethea, halika rito" tawag ko sakanya ng matapos ako kay Alex "Talikod" utos ko.

Nilagyan ko rin siya sa likod at itinali ang kanyang nakabuhaghag na buhok. Naramdaman ko naman na itinitali rin ni Alex yung aken.

"Happy family, pwede na" asar ni Oliver.

"Oyy si Oliver, naingit bwahahahahahahaha" asar naman sakanya ni Harold.

"Tumigil ka, tara na" Sabi niya at nanguna sa paglalakad pataas.

Masyadong matarik ang bundok na eto pero wala namang problema dahil sementado naman ang aming nilalakaran pagakyat. Paliko-liko at habang tumatagal tumatarik ng tumatarik. Medyo napapagod na din ang aking tuhod at binti pero kaya pa.

"Ohh? Anong ginagawa mo?" Tanong ko kay Alex ng simulan niya akong itulak.

Sinusoportahan niya yung likod ko upang mabawasan ang aking pagod. Nginitian niya lamang ako at ipinagpatuloy ang pagtulak saaken at mayamaya lang narating na namen ang tuktok.

"Haaaaaa! Kapagod"

"Whoo! Basang-basa na likod ko grabe"

"Pero ang sarap sa pakiramdam"

"Oyy kita rito ang mga gusali ohh"

Rinig kong sabi nila.

"Eto na, ayun tignan niyo yung pagtaas ng araw" Sabi ni Dalla.

"Whooo! Ang ganda!" Sabi ni Anitha.

"Oo nga ang sarap sa mata ng kulay" Sabi naman ni Agatha.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon