KABANATA 47

230 18 0
                                    

~~★~~

Cleopathra POV

'Erethrea, nasa kanyang silid si Althea' Sabi ko sa aking isipan ng maramdaman ng aking kapangyarihan si Althea.

'Magaling' sagot niya at halatang may nilalabanan eto.

'Erethrea, mukhang nasa panganib ang iyong anak kailangan mo siyang puntahan, ngayon na.' Saad ko ulit ng maging kulay pula ang hawak kong batong crystal.

Naririto kasi ako sa pinakaitaas na bahagi ng palasyo upang panatilihing bantayan ang mga kilos nila Elijah.

'Papunta na ako' Sabi niya kaya nakampante naman ako.

Mayamaya lang bigla akong nakaramdam ng kakaiba, napatingin naman ako sa aking daliri at nagulat na makitang nakabalik saaken ang singsing na ibinigay ko kay Alexander, sa prinsipe.

I-i-i-ibing sabihin... n-nagawa niya? Nagawa niyang buksan ang pintuan patungong Auria?! Kailangan kong kumpirmahin eto.

'Aleesha, pumunta ka rito saaken' utos ko at mayamaya lang nandito na siya at bakas ang mga dugo sa kanyang mga damit.

"Bakit ho?" Tanong niya na halatang pagod.

"Ikaw muna rito, may importanteng lugar lang akong pupuntahan" Sabi ko at tinungo ang aming kaharian.

Ilang minuto lang ang nakalipas at narating ko na ang kaharian ng Auria. Tinungo ko naman agad ang pinakalikod netong palasyo at nagulat ako sa aking nakita.

"A-alexander" sambit ko at naagaw ko naman ang kanyang atensyon kaya humarap siya saaken.

"Tita Cleo" nagugulat at puno ng pag-asa niyang sabi at lalapit na sana saaken ngunit napaupo siya ng hindi siya makalabas.

Nakikita niya ako at nakikita ko siya ngunit may parang tubig na nakaharang sa pagitan nameng dalawa.

"Ano po ang ginagawa ko rito? At nasaan ho ako?" Tanong niya.

"Nasa pinto ka ngayon ng pag-ibig na makikita mo lamang rito sa karaharin ng Auria na kung saan kami nakatirang mga diwata." Nakangiti kong paliwanag.

"Anong ibig niyo pong sabihin?" Naguguluhan niyang sabi.

"Narinig ng singsing na eto ang iyong pagsamo..." Sabi ko at ipinakita yung singsing na nasa aking daliri. "Kaya ka napunta rito at naramdaman niyang pursigido kang makamit ang iyong nais gawin" dagdag ko.

"Ngunit bakit hindi ho ako makalabas?"

"Iyon ay hindi pa buo ang singsing na eto at kailangan mong hintayin na mabuo eto, kaya't ibibigay ko ulit eto sayo" Sabi ko at tinanggal yung singsing at inilagay ko sa aking kaliwang kamay.

Ginamit ko ang kapangyarihan kong mailaho lahat ng bagay at ilipat ito sa ibang lugar. Kaya nung makita kong lumiwanag ang singsing na iyon sa aking kamay bigla na lang eto nawala at nakasuot na ngayon sa daliri ng prinsipe.

Namangha pa siya ng gawin ko iyon ngunit tumingin ulit siya saaken at handa na namang magtanong.

"Ngunit sino naman po ang makakabuo ng singsing na eto gayong buo naman eto? Kailangan kong iligtas ang, prinsesa" nag-aalala niyang sabi.

"Ang prinsesa. Ang prinsesa ang bubuo ng singing na iyan, siya ang nakatakda sa propisiya na magiging bagong reyna at makakapagpa-gising sa mga diwatang natutulog" Sabi ko. "Kung totoong mahal mo ang prinsesa, magagawa mong mahintay siya sa tamang oras at panahon upang maitama ang lahat. Kakayanin mo ba iyon iho?" Dagdag ko at lumapit ng kaonti sakanya.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon