KABANATA 22

365 45 0
                                    

~~★~~

Elethea POV

Eto ang ikalawang araw ng aking pagsasanay at ikalawang araw na rin simula ng umalis sila ate Athea, namimiss ko na siya.

"Prinsesa Elethea, tinatawag na ho kayo ng inyong ina sa labas" tawag saaken ni Deltha.

Mabuti na lang at nandito siya, kahit papaano may nakakausap ako rito, pero kadalasan si ate ang napag-uusapan namen.

"Palabas na" sagot ko mula sa loob ng silid.

Hindi ko alam kung narinig niya ako, hindi kasi naririnig sa labas ang ingay mula rito sa silid ko.

Mayamaya lang lumabas na ako at sabay kaming pumunta sa labas ni Deltha at tumabi naman siya kay ina.

"I-ina" kabadong bati ko sakanya.

"Simulan niyo na ang inyong pagsasanay" walang emosyon niyang sabi.

"Handa ka na, prinsesa?" tanong ni Arvi.

Tumango naman ako kahit kinakabahan talaga ako.

Eto ang pangalawang pgkakataon na hahawak ako ng espada. Kahapon kasi hindi ko nagawa ng maayos ang pagkakahawak sa espada kaya nabitawa ko to.

Dahilan para madaplisan ako sa pisngi ni Arvi, humingi naman siya ng paumanhin at buong akala ko ay gagamutin ito ni ina ngunit nagkamali ako... sinaktan niya ako. Gamit ang sinturon pinagpapalo niya ako ng sampung beses sa likod.

Hindi eto alam ni ama dahil bukod sa palagi siyang umuuwi ng gabi, takot akong magsumbong sakanya. Tanging si Deltha lamang ang nakakaalam.

"Again" medyo may kalakasang sigaw ni ina.

Sa pagkakataong ito ako na ang sumugod sakanya ngunit ng magtama ang aming espada agad niya etong itinulak kaya tumilapon ako. Masakit sa pwet.

Tumayo ulit ako at sumugod ulit. Nagtama uli ang aming mga espada at buong lakas ko rin itinulak ang aking espada papunta sakanya ngunit sinipa niya naman ang aking paa upang mawalan ako ng balanse kaya napaluhod ako.

"Enough" sabi ni ina.

Nagsimula namang manginig ang aking dalawang paa.

Iyon rin ang sinabi niya kahapon bago niya ako saktan.

"Stand up ang follow me" dagdag niya bago naglakd papasok.

Tinulungan naman akong tumayo ni Arvi kaya nagpasalamat ako sakanya at saka dali-daling sumunod kay ina.

Pumasok siya sa aking silid at hinitay akong makapasok. Siniraduhan ko naman ang pintuan ng makapasok ako.

"Are you a baby?" tanong niya habang nakatalikod saaken. Hindi agad ako nakasagot dahil sa takot. "Are you a baby?" ulit niya sa mahinang boses.

"N-n-no" kabadong sabi ko.

"So why the hell you're acting like a baby!? Why don't you figth like a grown up? Why don't you do it perfectly!?" pasigaw niyang tanong sabay hawak sa aking braso at hinigpitan ito.

Nasasaktan ako. Nagsimula ng tumulo ang aking luha, binitawan niya ako sabay bato nung hawak niyang babasaging baso.

"Bakit hindi mo magawang tama ha?! Anak ka ng isang hari dapat kaya mo ang lahat! Tapatan mo ang kakayahan ni, Althea!" bulyaw niya saaken "Ikaw dapat ang hahalili saaken hindi si, Althea" gigil niyang sabi.

Iyon pala ang dahilan. Sinama niya ako para mag-aral at matuto para lang tapatan si ate. Sa lahat ng oras yan pala ang iniisip niya.

"Hindi ko kayang tapatan si ate at hindi ako siya–"

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon