KABANATA 39

251 21 0
                                    

~~★~~

Althea POV

Hindi rin nagtagal at lumabas na sila ng aking silid at sinabi kong magpahinga na muna silang lahat dahil masyadong malayo ang kanilang nilakbay papunta rito, at tanging natira rito sa loob ay si Alex.

"Sige na mahal ko, magpahinga ka na rin" nakangiting sabi ko sakanya at lumapit.

Nabigla naman ako ng hawakan niya ako sa bewang at hilain papalapit sakanya.

*Door opens*

"Bebe time yieeee" Sabi nila habang nakadungaw sa aking pintuan at saka sinarado ulit eto.

Natawa naman kaming pareho ni, Alex.

"Sige na, magpahinga ka na" Sabi ko ulit at hinawakan ang kanyang mukha gamit ang aking dalawang kamay. Pumikit naman siya at parang pusa na inilingkis ang kanyang pisngi sa aking palaad. "Bakit?" Malumanay kong tanong.

"Bukas, sigurado akong hindi kita makikita buong araw, at mamaya magkikita ulit kayo ni Tita Gabriella." Nakanguso niyang sabi.

Tinanggal ko naman ang aking kamay sa kanyang mukha at tingala na lamang siya.

"Pano mo nalaman yun? Narinig mo yung bulong niya?" Tanong ko at iniyakap ko ang aking dalawang braso sa kanyang bewang habang nakatingin parin sakanya.

"Hmmm, kaya dito muna ako sa iyong tabi" Sabi niya at idinikit ang kanyang noo sa aking noo. "Pero teka lang, pansin ko bakit ang sweet mo ngayon?"nakataas kilay niyang tanong at ramdam na ramdam ko naman ang kanyang hininga.

"Ang baho ng hininga mo, nagsipilyo ka ba?" Pang-iinis ko sakanya at bigla namang kumunot ang kanyang noo at lumayo ng kaonti saaken saka inamoy ang kanyang hininga.

"Pft hahahahahahahahaha" malakas kong tawa at bigla namang nag-iba ang kanyang ekspresiyon at parang naiinis sa aking ginawa. "Oyy pft binibiro lamang kita hahahahaha biro lang" natatawa kong sabi habang umatras dahil lumalapit siya saaken ng dahan dahan.

"Ikaw talaga ang hilig mong magbiro" Sabi niya habang pailing-iling pa. "Pag ikaw nahuli ko lagot ka saaken" nakangisi niyang sabi at mas lumapit saaken kaya umatras ulit ako.

"Kung mahuli mo ako" nakangisi kong sabi sabay laho at lipat ng pwesto.

Kinalabit ko siya sa likod at lumipat ulit ng pwesto nung pagharap niya. Hahahahahahaha.

"Mahal ko walang ganyanan, halika na rito" Sabi niya habang umiikot at hinahanap ako, kaya naman nagpakita na ulit ako sakanya.

"Magpahinga ka na kasi–"

"Huli ka!" Nagulat ako ng mabilis niya akong hilahin at ikulong sa kanyang mga bisig. "Hahahahahaha ang kulit mo talaga, mahal ko." Nakangiti niya sabi.

Pinagmasdan ko naman ang kanyang mukha at napangiti ako ng makita kung gaano kalapad ang kanyang mga ngiti sa labi.

"Mahal kita, Alexander" sabi ko bigla at natigilan naman siya saka ako biglang hinalikan sa labi ng napakatagal.

"Mas mahal kita, Vinnice at hinding-hindi kita iiwan ano man ang mangyare" nakangiti niyang sabi pagkatapos ay hinagkan ulit ako sa labi, magkabilang pisngi, noo at pati sa aking ilong kaya natawa ako.

"Magpahinga ka na" saad ko.

"Ikaw ang dapat na magpahinga, sige na babantayan kita pagkatapos ay magpapahinga na rin ako" sabi niya.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon