KABANATA 46

242 19 0
                                    

~~★~~

Althea POV

"Althea, iha magpalit ka na muna ng iyong damit" rinig kong sabi ni in.

Naririto ako ngayon sekretong lugar ng palasyo at kasalukuyang nakatulala at pilit na pinapaniwala ang aking sarili na tama ang aking ginawang pagpapaalis sa aking mga kaibigan at kay Alex.

"Mahal ko" biglang lapit saaken ni ina at hinawkan ako sa magkabilang balikat. "Maging matatag ka, hindi eto ang oras para magpakahina ka. Matapang ka diba?" Pagpapalakas niya sa aking loob.

"Nasa panganib ang ating buhay ngunit wag kang mawawalan ng pag-asa." Sabi niya habang nakatingin lang ako ng deritso sa kanyang mata. "Ilalayo kita rito–"

"Hindi ina, kailangan kong tapusin ang aking sinimulan" seryoso kong sabi saka tumayo. "Kailangan kong lumaban para sa ating kaharian at para sa kaligtasan ng lahat" sabi ko at kinuha ang damit na aking susuotin.

"Magpapalit ho muna ako" sabi ko.

Narinig ko naman siyang bumuntong hininga kaya dumiretso na ako sa banyo sa dulo.

Hindi pwedeng magtatago na lang ako rito at umupo, kailangan kong harapin ang aking nasimulan.

Ng matapos akong magpalit naglaho ako at tinungo ang loob ng palasyo at bumungad agad saaken ang mga kawal na aming mga kalaban.

Umiwas naman ako ng atakihin ako ng isa gamit ang espada. Naglaho ako at pumunta sa kanyang likuran at sinipa siya, kinuha ko naman ang kanyang espada at saka umikot at pinatumba ang iba niyang kasama.

"Nasaan ang reyna?" Tanong ko habang nakatutok sakanya ang espada.

Nakatakip ang aking mukha kaya hindi niya ako makikila.

"Hindi ko saiyo–"

Hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin dahil iwinasiwas ko na pahalang ang espada sa kanyang dibdib. Binitawan ko naman yung espada at nagpatuloy sa paglalakad ngunit mayamaya may nagsilabasan namang mga kawal at pinalibutan ako.

Hinanda ko ang aking kamay at wala pang isang segundo lumabas sa aking kamay ang mga nagyeyelong ani mo'y mga patalim at bumaon eto sa kanilang mga dibdib. Nagulat ako nung una ngunit hindi ko na iyon pinansin at ipinagpatuloy ang pagkikipaglaban.

Ng maramdaman kong aatake ang aking nasa likuran ginamit ko naman ang aking buhok at pinilipitan ang tatlong kawal sa paa saka ko sila iwinasiwas paikot at buong lakas na itinapon. At ang sumunod na nangyare ay narinig ko na lang ang pagbagsak nila.

Erethrea POV

"Asan ang anak ko!?" Sigaw ko sa mga kawal na nakabantay kay Althea.

"H-hindi po namen nakitang lumabas ng prinsesa, m-mahal na reyna" natatakot niyang sabi.

Napapikit naman ako saka naglaho at tinungo ang loob ng palasyo.

'Cleo, nawawala si Althea' sabi ko sa aking isipan.

Marunong akong makipag usap sa aking mga kapatid kahit gaano sila kalayo saaken ngunit hindi ako marunong magbasa ng isip ng ibang tao.

'Ano!? Nakakalat na ngayon ang mga kawal ni Elijah sa buong palasyo kaya masyadong delikadong makapasok si Althea sa loob" gulat at natataranta niyang sabi.

'Hahanapin ko siya' sabi ko at inilahad ang aking kamay at biglang lumabas doon ang aking espada.

Nagagawa ko rin kunin ang aking mga sandata gamit lamang ang aking isip.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon