KABANATA 49

230 18 0
                                    

~~★~~

Erethrea POV

Patuloy ang aking pakikipaglaban upang makaalis sa lugar na 'to at sundan ang aking anak, ngunit hindi sila maubos-ubos.

Mayamaya lang bigla ako nakaramdam ng kakaiba kaya natigilan ako at napatulala sa kawalan.

"Althea" mahinang banggit ko sa kanyang pangalan at mas binilisan ko pa ang aking galaw sa pakikipaglaban dahil kinakabahan ako ng sobra.

"Erethrea! Hanapin mo na ang iyong anak, hindi maganda ang kutob ko dito" Sigaw ni Cleopathra saaken habang nakikipaglaban.

"Sige na Erethrea, kami na ang bahala rito" Sabi naman ni Andrea.

Tumango naman ako at balak ko na sanang maglaho ng naagaw ng aking atensyon ang dalawang tao na naglalakad ngayon palabas.

"Elgion! Elethea!" Sigaw ko at dali-daling pinuntahan sila.

"Mahal ko, a-asan ang anak naten?" Tanong niya saaken.

"Ilalayo ko muna silang dalawa rito, nasaan ang prinsesa?" Tanong ni Gabriella at pinipigilang makalapit ang mga kalaban saamen.

"Sige na, hahanapin ko si Althea "wag' ka ng mag-alala" Sabi ko at sabay laho at pumunta sa malawak na lupain netong palasyo sa labas.

Ano eto? N-nasaan s-si A-althea?

"Anak ko?" Tawag ko.

Nakita ko naman ang kanyang espada kaya dinampot ko eto, punong puno eto ng dugo.

"T-tulong" rinig kong nahihirapang sabi ng isang pamilyar na boses kaya inaninag ko naman eto.

"Sino ka?" Tanong ko.

"T-t-tulong" Sabi niya kaya dali-dali ko naman siyang pinuntahan at hinawakan sa kamay.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Si Deltha.

Nabigla naman ako ng bigla siyang ngumisi at tumayo at biglang winasiwas ang isang kutsilyo sa aking harapan.

"Hinahanap mo ba ang, prinsesa?" Nakangisi niyang tanong.

"A-anong ibig mong sabihin?" Gulat kong sabi.

"Patay na ang, prinsesa" Sabi niya ulit at akmang itatapon saaken ang kutsilyo ng mabilisang kong hawakan ang kanyang kamay.

"Nasaan siya? May kinalaman ka ba dito!?" Sigaw ko sakanya. "Ano koneksyon mo kay Elijah!?" Nanggigil kong dagdag.

Ngumisi naman ulit siya at akmang sisipain ako sa binti na mahawakan ko iyon saka siya sinipa sa tiyan.

Lumapit naman ako sakanya at tumutok ang espada ko sa leeg niya.

*KASHINGG*

Napaharap naman ako sa likod ng biglang may umatake saaken mula sa aking likod, naramdaman ko naman ang pag-agos ng dugo sa aking likod ngunit hindi ko iyon ininda.

*KASHINGG*

At isang saksak pa sa tagiliran ang aking natamo ng biglang tumayo si Deltha.

"Magsasama na kayo ng iyong anak, sa impyerno" malademonyong Sabi ni Elijah.

"Hindi pa dito nagtatapos ang laban, demonyo ka! Hindi pa nagigising ang halimaw na nakatago at kapag nagising siya paghandaan niyo na ang inyong kamatayan" Saad ko at bago pa ako matumba nagbagong anyo si Deltha.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon