KABANATA 52

280 19 0
                                    

~~★~~

Alexander POV

Ng sabihin ni Vinnice, ang katagang iyon agad naman nilang inihanda ang kanilang mga sandata, ngunit ako'y lumapit sakanya at naramdaman niya naman ata ang aking presensya kaya humarap siya saaken.

"Mahal" sambit ko.

Bakit bigla akong nakaramdam ng kaba at takot?

"Hmm" Sabi niya at inilapag ang kanyang espada.

"Mag-iingat ka, tanda mo ang iyong pangako saamen?" Nag-aalala kong sabi.

Bigla naman siyang ngumiti at parang biglang nabunutan ang aking puso ng tinik ng ngumiti siya ng napakatamis.

"Oo. Mananatiling ako buhay, gusto mo itali mo pa ako sa katawan mo ehh" biro niya.

"Nagawa mo pang magbiro. Pero... kung pwede ka nga lang itali ehh ginawa ko na pero alam ko naman hindi ka magpapatinag ikaw pa, tigas ng ulo mo ehh" Sabi ko na ikinatawa niya.

"Hoy ano yan? Lumalandi na naman kayong dalawa jan?" Biglang sabat ni Bea habang nakangiti kaya natawa naman silang lahat.

"Bakit? Namiss ako ng mahal ko ehh" Sabi niya at hinila ako papuntang tabi niya at inakbayan ako.

"Yuckksss hindi na nahiya. Woii nanjan mga magulang niyo oyyy!" Sabi naman ni Harold na mas ikinatawa nila.

"Hayaan niyo na silang dalawa, mukhang limang taon hindi nagkita ehh" biro naman ni Tita Gabriella saka sinakbit ang mga lagayan ng palaso sa kanyang likod.

"Kapag ba natapos to ngayon, magpakasal na kayo sa makalawa?" Asar naman ni ama kaya natahimik silang lahat at tumingin sa amen at nag-aantay ng sagot.

"Kapag naging maayos na ang lahat..." Sabi ni Vinnice at tumingin saaken

"handa na kaming ikasal anumang oras at araw" dagdag ko sa mga sinabi niya at nakangiting tinitigan din siya.

"Yieeeee!!" Asar nila na akala mo hindi nasa panganib ang buhay.

Napangiti na lang ako dahil kahit nasa ganito kaming sitwasyon nanatili silang positibo, ganito ang aming pamilya.

Hindi na kami nagtagal sa loob ng lungga na iyon at naghiwa-hiwalay na kami at humandang umatake papasok ng palasyo.

Iniwan namen si Tita Erethrea doon na puno ng bantay sa kanyang paligid, at may mga paru-paro ring nagsidatingan at nagtaka ako kung bakit kulay dilaw at puti ang mga iyon.

Ang sabi lang ni Tita Cleo sila raw ang mga matinding paro-paru at ni isa walang nakakahawak sakanila.

'Naririnig niyo ba ako?' nagulat naman ng bigla kong marinig ang boses ni Vinnice sa aking isipan.

"Ay palaka!" Gulat at sabay-sabay na Sabi ni Cheska, Eunice at Bea kaya natawa kami ng mahina.

"Etong si Avie, atakihin talaga ako sa puso. Grabe manggulat ehh" Sabi ni Bea at tinignan si Vinnice doon sa kabilang dulo.

Hindi pa ako sanay sa ganito at palagi pa rin akong nagugulat tuwing lilitaw at maririnig ko ang kanyang boses sa aking isipan.

'Kung naririnig ninyo ako pakinggan niyo 'tong sasabihin ko. Wag kayong magpapalinlang sa makikita ninyo, ginagawa nila ang ating mga anyo.' seryosong sabi niya habang inaayos ang kanyang espada, pana at palaso.

"Madalas gawin ni Hermina at Elijah ang magpalit ng anyo, gaya namen nakakapagpalit rin sila ng anyo." Sabi saamen ni Tita Gabriella kaya napatingin kami sakanya.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon