KABANATA 38

255 23 0
                                    

~~★~~

Beatrice POV

Pabalik na kami ng palasyo at biglang hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung bakit, natatae lang ba ako o ano? Kasi kapag kinakabahan talaga ako sumasakit ang tyan ko ackkk!

"Kuya, pagbukas nga ho ng bintana" sabi ko kay kung Orlando.

Binuksan naman niya at dumungaw ako doon at lumanghap ng hangin.

(Ano amoy?)

Anong amoy migasi?

(Ng hangin?)

Amoy pulosyon, charing. Joke lang, fresh air syempre. Jan ka na muna migasi magmumuni-muni muna ako rito.

(Okie)

Habang nagpapahangin biglang may nahagip ang mata ko na isang anino. Shit ayan na naman siya, sino ka ba talaga? Mas lalo tuloy akong kinakabahan para kay, Avie.

"Kuya, pakibilisan po ng konti pwede?" Sabi ko.

"Bakit–"

"Pakibilisan lang po" putol ko sakanya.

"Bakit?" Tanong ni Cheska

"Mamaya ko na sasabihin" Sabi ko at lumingon ulit doon sa anino at gumagalaw din siya papalapit sa palasyo. "Kuya, bilis pa po" Sabi ko at binilisan naman niya hanggang sa para na kaming nasa racing field sa bilis ng sasakyan.

"Ano bang nangyayare?! Whoii Beatrice, papatayin talaga kita pagbaba dito!" Sigaw ni Earl

"Manahimik na lang jan!" Sigaw ko din habang nakahawak ng mahigpit sa upuan ko.

Ng maabot namen ang malaking tarangkahan ng palasyo nag dahan-dahan na ang takbo ng sasakyan at pagpasok hindi pa humihinto ang sasakyan bumaba agad ako.

"Yah! Beatrice Dalla! Magpapakamatay ka ba!?" Galit na sigaw ni Oliver habang tumatakbo ako papasok.

"Sorry! Nagmamadali lang! Dalian niyo na jan" Sigaw ko at pagbukas na pagbukas ng pintuan tumakbo agad ako pataas papuntnag silid ni Avie.

"Sorry po" Sabi ko sa mga nakakasalubong kong mga tagapagsilbi dahil sobrang ingay ko.

Hindi nga ako bagay dito hahahaha. Napalingon naman ako ng marinig ang mas mabibigat na yabag papalapit saaken.

"Oyy Xander-" naputol ang aking sasabihin ng malagpasan niya ako at dali-daling pumasok sa silid ni Avie.

Nagdahan-dahan na lang din ako maglakad dahil nandoon na naman siya.

Alexander POV

"Prinsipe, babalik pa ho ba tayo sa inyong palasyo o diretso na tayo sa palasyo ng albanya?" Tanong ng aking gwardya.

"Hin-" naputol ko ang aking sasabihin ng biglang may nahagip ang aking mga mata.

Para siyang usok ngunit anino eto na biglang nagdala saaken ng pangamba. Si, Vinnice.

"Diretso na tayo sa palasyo ng Albanya, pakibilisan" utos ko at ginawa naman niya.

Kahit makahoy ang paligid ng aking dinadaanan tanaw ko pa rin ang aninong iyon na naglalakbay papunta sa parehong binabaybay nameng daan.

Saan eto patungo? Hindi kaya... Hindi pwede.

"Pakibilisan pa ho" utos ko at napatingin naman saaken ang aking gwardya mula sa salamin sa harap. "Ang prinsesa" Sabi ko at naintindihan naman niya kaagad.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon