KABANATA 32

249 29 1
                                    

~~★~~

Someone's POV

"Nalalapit na ang kaarawan ng Prinsesa ngunit wala pa rin nangyayare. Ano na ang plano niyo?" Tanong ni tita.

"Maghintay ka lang. Hindi pa eto ang oras, lalo na at may kakaiba talaga sa isa pang prinsesa. Pero sa lalong madaling panahon kailangan na nateng kumilos" Sabi naman ng isa ko pang tita.

That girl. She's making this difficult. Kapag nagkita talaga kami kikitilan ko siya ng buhay. At mukhang nakalimutan na niya ata ang atraso niya saaken. Antayin mo lang Prinsesa.

Althea POV

Huling araw na namen rito. Bukas pa sana kami uuwi kaso lang malayo daw ang byahe kaya mamayang hapon na ang alis namen.

Maayos naman at nasulit ko, namen ang ilang araw dito. Kaso nga lang hahanap-hanapin ko 'to doon sa palasyo.

Eto na nga at pababa na ako para mag-almusal.

Ehh? Bakit ang dilim?

"Alex? Elethea? Dalla?" Tawag ko ngunit walang sumasagot. "Alex, mahal?" Ulit ko at nagsisimula na akong kabahan.

*Blagg*

"Sino yan?" Matapang kong sabi.

Hinanda ko naman ang aking sarili, baka sakaling biglang may umatake saaken. Ngunit mayamaya lang biglang bumukas ang mga ilaw at...

"Happy Birthday to you... Happy Birthday to you... Happy Birthday... Happy Birthday... Happy Birthday to you." Kanta nilang lahat at napakamot naman ako sa ulo bago ngumiti.

Akala ko naman kung ano na.

"Advance happy birthday, Althea!" Sigaw nilang lahat.

"Maraming salamat" Masaya kong sabi.

"Wish ka muna tapos ihipan mo na yun kandila dali" Sabi ni Agatha at ginawa ko naman.

"Yehey!!"

"Tara kumain na tayo" Sabi ni Dalla at dinala ako sa kusina at nagulat ng makitang ang dami ng pagkain.

"Ang dami naman neto. Sino nagluto?"

"Kaming lahat at may tulong galing kay Eya at sa iba pa" sagot ni Eunice.

"Talaga? Nakakatuwa naman. Salamat sainyo" nakangiti kong sabi.

"Ayy teka asan na ba yung jowa mo" Sabi ni Simon.

Nagpalinga-linga naman ako para hanapin siya at mayamaya lang naramdaman kong may tumakip sa aking mata kaya inalis ko naman eto at nilingon kung sino yun.

"Advance happy birthday, mahal" nakangiting sabi ni Alex sabay abot saaken ng isang kumpol ng bulaklak.

Napangiti naman ako at tumingkayad para gawaran siya ng isang halik sa labi. Mabilis lang naman.

"Salamat" nakangiti kong sabi

"Woii magwarning naman kayo kung hahalikan niyo ang isa't isa. Maawa kayo saameng mga inosente" Sabi ni Cheska sabay tanggal ng kamay sa mata ni Elethea.

Tinawan naman namen siya saka umupo na sa harap ng lamesa.

"Ayy oo nga pala Avie, paano pala si Elethea?" Tanong ni Harold. "Baka hinahanap na 'yan doon." Dagdag niya.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon