KABANATA 51

279 17 0
                                    

~~★~~

Elethea POV

Ng dumating si Ate Aleesha ipinagpatuloy nila ang pagpaplanong salakayin ang aming palasyo.

"Elethea maiiwan–"

"Sasama ho ako sainyo, gusto ko rin iligtas si ate" putol ko sa sasabihin ni ama.

"Ngunit–"

"Marunong ng lumaban si Elethea, sigurado akong tinutukan siya ng kanyang kapatid kung kaya't hayaan mo siya sa kanyang gusto" Sabi ni Tina Cleo. "Isa pa, hindi ba't ika'y marunong ng maglaho, Elethea?" Dagdag niya na ikinagulat ko at ng iba.

"P-paano niyo po nalaman?" Gulat kong tanong at ngumiti naman siya saaken

"Wala kayong maitatago ni Althea, saamen iha, normal iyan dahil anak ka ni Elijah" Saad niya kaya yumuko naman ako dahil sa kahihiyan.

Si Ina, hindi ko na alam kung ano pa ang kanyang kayang gawin kila ate. Hindi ko na kaya ang kanyang ginagawa masyado na siyang ambisyosa.

Natahimik naman sila ng ilang sandali nagsalita na si Tita Gabriella.

"Anong balita sa prinsesa, Aleesha?" Tanong niya.

"Gising na raw ho si Althea, tita at sigurado akong sisimulan na nilang pahirapan siya at sigurado rin ho akong inaasahan na nila ang ating pagdating" Seryosong sabi ni ate.

"Nagawa niyang makapasok sa pinto ng pag-ibig at sigurado akong saktong paglabas ni Alexander, ay gising na siya" Sabi ni Tita Cleo.

"Gising na nga ho ang, prinsesa" rinig namen sabi ni Kuya Alexander kaya sabay-sabay kaming lumingon sakanya.

"Kuya/ Alexander" sabay-sabay din nameng bati sakanya ng makira nameng naglalakad na siya papalapit saamen.

"Nagawa mo" nakangiting sabi sakanya ni Tita Cleo.

"Maayos lang daw ho ang prinsesa, at wala kayong dapat na ipag-alala. 'Yon po ang sabi niya saaken" sabi niya bago nagbigay galang kina tita at ama bago naupo sa kanilang tabi. "Ang habilin niya din ay huwag magdadala ng mga kawal, at tayo-tayo lamang ang lalaban" dagdag niya at may sumeryoso naman ang aming paligid.

Kinakabahan ako ng sobra sa mangyayare ngayon. Kahit naman nakakapaglaho at marunong na akong makipaglaban hindi ko alam kung paano ako makakatulong sakanila.

"Naikwento rin ho ni Vinnice, na wala na siyang kapangyarihan" biglang sabi ni Kuya Alex.

"Paanong nangyare iyon?" Nagugulat at naguguluhang sabi ni Ate Aleesha.

"Nakipaglaban siya sa babaeng nagngangalang Hermina at si Reyna Elijah, pinagsanib pwersa nila ang kanilang apoy na kapangyarihan upang matalo ang yelong kapangyarihan ni Vinnice, yun ho ang kwento niya saaken" bakas ang lungkot sa mukha ni kuya ng sabihin niya iyon.

Nag-aalala siya sa kalagayan ni ate alam ko at sigurado din akong nalungkot din si ate, ngunit alam kong kaya niyang lagpasan eto.

"Mabuti at naikwento mo iyan, ganyang rin ang nangyare kay Erethrea ngunit hindi namen alam kung makabalik ba ang kapangyarihan ni Althea, dahil magkaiba ang kanilang dahilan kung bakit nawalan sila ng kapangyarihan" Sabi ni Tita Gabriella.

"Ngunit hindi na iyan ang importante sa ngayon, kailangan na nating kumilos at iligtas sila at tapusin na eto ngayon" Sabi naman ni Tita Andrea.

"Isa pa nakita ninyong lahat kung paano makipaglaban ang prinsesa, kakayanin niya eto. Tiwala lang, malakas ang batang iyon ngunit hindi naten pwedeng iasa na lang sakanya lahat, kailangan din nateng tumulong" Dagdag ni tita Cleo.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon