KABANATA 34

243 28 0
                                    

~~★~~

Beatrice POV

Nagising ako ng madaling araw kinabukasan, at hindi na ako makatulog kaya minabuti kong maglakad-lakad na lang sa labas ng kwarto.

Nakapajama at t-shirt lang ako, wala naman atang makakakita saaken ng ganito ang hitsura noh?

Pagsirado ko ng pinto nahagip ng mata ko ang isang tao. Kwarto yun ni, Avie ahh. Pinaliit ko pa ang mata ko para makita ng maayos, nakaitim na damit eto at... at mukhang babae wait.

Kinusot-kusot ko pa ang mata mo ng makita ang marka sa kanan niyang kamay. Napatakbo naman ako papalapit doon ngunit bigla na lang siyang nawala.

Ano... ano yun? Hindi naman ako minumulto diba? Ang markang iyon...

Althea POV

Gumising ako ng maaga para tumulong sa pagluluto at ewan ko ba pero gusto kong matuto magluto.

Nakaligo na ako at isinuot yung kadalasan kong sinusuot dito sa palasyo. Mahabang dress at naka abaka lang akong tsinelas at nakatali ang aking buhok.

Pumunta na ako ng kusina at nakita ko doon ang ilang mga tagapagsilbi namen.

"Prinsesa" bati nila sabay yuko sa aking harapan.

"Ano ho ang inyong kailangan, prinsesa?" Tanong nung namamahala dito sa kusina.

"Pwede ho ba akong tumulong sainyo?" Nakangiting sabi ko.

"Magluto ho? Pero–"

"Sige na manang please?" Sabi ko.

"Ahh kasi po... sige na nga po, gagabayan ko ho kayo" nakangiti niyang sabi.

"Salamat po!" masayang sabi ko.

"Wala ho yun prinsesa, eto po isuot niyo po eto" sabi niya at isinuot saaken yun apron.

Una niya saakeng itinuro ang pagluto ng itlog.

"Mahina lang ho dapat ang apoy para hindi masunog" sabi niya at tumango-tungo naman ako. Dinungaw ko naman yung niluluto niya. "Wag po kayong lalapit ng masyado sa kawali baka biglang tumalsik ang mantika" sabi niya at lumayo naman ako na parang bata na takot matalsikan.

"Manang, p'wede kong subukan?" Sabi ko at inilahad yung kamay ko sakanya.

"Sige po, sahan-dahan lang po ha" Sabi niya at ibinigay naman saaken yung sanse.

Dahan-dahan ko namang binalik yung itlog pero pagbalik ko bigla na lang tumalsik yung mantika sa braso ko.

"Aray"

"Hala, prinsesa ako na po riyan–"

"Hindi. Maayos lang ako manang, mantika lang naman yun" putol ko sakanya at inahon na yung itlog. "Kita mo manang nagawa ko ng maayos diba po?" Ngiting sabi ko.

"Ang bilis mo namang matuto, prinsesa" puri niya.

Pagkatapos non pinamasid niya na lang ako kung paano siya magluto.

Baka raw masugatan pa ako mapagalitan sila ni ama, sinunod ko na lang. Nagluto silang tinolang manok, yung pritong tilapia at adobong baboy.

Hindi talaga nagpapaluto si ama nung mga sosyaling pagkain dahil masasayang lang naman. Hindi rin naman kasi namen kinakain.

Sa kalagitnaan naman ng paghuhugas ko ng kamay may biglang yumakap saaken mula sa likuran.

"Magandang umaga, mahal ko" sabi ni Alex sabay halik sa pisngi ko.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon