KABANATA 50

271 17 0
                                    

~~★~~

Althea POV

Nagising ako sa isang madilim na lugar at hindi ako makaaninag ni isang ilaw sa lugar na eto. Umupo naman ako ng dahan-dahan at kinapa ko naman ang aking likod at wala akong maramdamang masakit sa aking likuran. Anong nangyare? Nasaan ako?

"May tao ba riyan?" Tanong ko at kinapa ang aking nauupuan.

Napalingon naman ako sa kabilang banda ng makaaninag ako ng liwanag.

"S-sino ka?" Matapang kong sabi.

"Mahal ko" nagulat naman ako ng marinig ang boses na iyon kaya pinilit kong tumayo ngunit nanghihina ako.

"A-a-a-alex" nasasabik kong sabi. "Ikaw ba iyan?" Tanong ko at naramdaman ko namang umupo siya sa aking harapan kaya kinapa ko ang kanyang mukha.

"Ako eto, mahal ko" Saad niya

Nahawakan ko naman ang kanyang kilay, mata, ilong, at bibig at saka nasasabik na niyakap siya sa kanyang leeg.

"A-a-alex" naiiyak kong sambit at naramdaman ko namang niyakap niya rin ako.

"Andito na ako. Kumusta ka? Sinaktan ka ba nila? Anong nangyare? Sabihin mo saaken" malumanay ngunit nag-aalala niyang sabi at hinaplos ang aking buhok.

Hindi ko naman siya sinagot at nanatiling nakayakap sakanya.

"Halika, siguradong giginhawa ang iyong pakiramdam kapag nakita mo eto" Sabi niya at hinawakan ang aking kamay at inalalayan akong makatayo.

"Nasaan tayo?" Tanong ko habang naglalakad paalis sa madilim na lugar na eto.

"Nandirito tayo sa loob ng pinto ng pag-ibig" Saad niya at hinawi ang mga dahong nakaharang sa aming harapan.

"Pinto ng ano?" Tanong ko at napatingala ng makita ang mga nagliliparang paru-paro sa paligid.

Nakamamangha. Ang ganda, napayuko naman ako ng maramdaman ang agos ng tubig sa aking paa. May mga isdang nagsisilanguyan malapit sa aking paa at mukhang nasisiyahan sila sa kanilang ginagawa.

Napansin ko rin ang aking damit. Hindi eto ang aking damit na suot noong nakikipaglaban ako.

"Pinto ng pag-ibig, iyon ang sabi ni Tita Cleopathra saaken bago ako tuluyang mapunta sa napakagandang lugar na eto" nakangiti niyang sabi.

"Anong lugar eto?" Tanong ko ulit habang namamanghang tignan ang lugar na eto.

"Ang inyong kaharian mahal ko. Napaganda pala rito" nakangiti niyang sabi.

"Ang Albanya?" Tanong ko.

"Hindi. Eto ang kaharian ninyong mga diwata mahal kong prinsesa, nababagay ka nga rito dahil napakaganda rin ng lugar na eto. Araw-araw kong naririnig ang huni ng mga ibon, ang pag-agos ng tubig mula jan sa talon at ang napagandang mga paru-paro" Sabi niya at iniharap ako sakanya.

"H-hindi ka galit saaken?" Tanong ko at naging seryoso naman ang kanyang mukha.

*Tsup*

Nagulat naman ako ng hawakan niya ang aking dalawang pisngi at halikan ng mabilis sa aking labi.

*Tsup*

At Isa pa, ngunit ngayon ay nakangiti na siya at kinabig ang aking bewang papalapit sakanya.

"Ginawa mo lang ang sa tingin mo ay tama mahal ko, kung hindi mo iyon ginawa ay malamang hindi kita kasama ngayon. Isa pa, mahal kita at hindi ko kayang magalit sa iyo ng matagal" Sabi niya at inilagay sa likod ng aking tenga ang hibla ng aking mga buhok na nakaharang sa aking mukha.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon