KABANATA 19

408 51 2
                                    

~~★~~

Beatrice POV

Papasok na sana ako ng kwarto ni Avie ng bigla kong marinig ang sigaw niya kaya napakunot ang noo ko.

"Aray! Whaaaaa ang sakit!" Sigaw niya at pipihitin ko na sana ang doorknob ng marinig ko naman ang boses ni Xander, kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Pasensya na prinsesa, ano kasi–"

"Tanggalin mo na yan, paki-usap"

A-a-anong ginagawa nila? Anong tatanggalin? Alin ang masakit?

Dali-dali akong pumasok at magsasalita na sana ng makita kong nasa likod ni Avie si Xander at hawak ang zipper ng damit ni Avie.

"Dalla" umiiyak na sabi niya habang nakanguso pa kaya napatakbo ako sa tabi ni Xander at tinignan kung anong nangyare.

"Ayy jusme!" Sabi ko ng makitang dumudugo na ang balat na nakapasok sa zipper ng damit niya. "Ako na dito" sabi ko kay Xander kaya pumunta naman siya sa harap ni Avie.

"Shh, tahan na prinsesa ko" pagpapatahan niya kay Avie at may kasabay pang pagpunas ng luha kaya napangiti ako.

Ang cute cute lang nilang dalawa tignan.

Pero whaaaaa! Bakit pag sa ibang tao ko nakikita ang ganito naaasiwa ako!?

"Medyo masakit lang 'go pero tiisin mo, Avie ha. Bakit kasi hindi mo ako tinawag agad" sabi ko sakanya at nakita ko naman na hinigpitan niya ang pagkakahawak sa braso ni Xander kaya tumawa ako ng mahina.

Prinsesang umiiyak dahil sa zipper pero, kung labanan kami nung isang araw hindi takot masugatan.

"Ayan, ayos na. Kukuha lang ako ng panggamot jan sa sugat at damit na din pamalit" sabi ko sakanya.

"Salamat" sabi ni Avie at natawa akong muli ng sobrang namumula na ang mata niya dahil sa pag-iyak niya.

Ang cute!!! Takte naman ohh, kung lalake lang sana ako matagal ko ng shinota etong si Avie. Ganda-ganda ehh.

Iniwan ko sila doon ni Xander at kinuha ko nga yung gamot at bagong damit na susuotin ni Avie. At bagbalik ko doon nagpaalam munang lalabas si Xander.

“Avie, eto isuot mo” sabi ko sabay lapag nung pastel pink na dress sa higaan niya.

Wala na 'yon zipper, garter meron.

“Salamat” sabi niya sabay kuha non at pumasok sa banyo.

Talagang pasalamat siya kasi yung damit na yun ay pinaghirapan ko pang hanapin kagabi. Nagpuyat pa ko kagabi para ipaayos yung lugar na pupuntahan namen mamaya.

(Woii teklamo ka ng reklamo nagsabi ka naman na tutulong. Bwisit na 'to)

Woii ka rin. Kine-kwento ko lang naman yung pinagdaanan ko kagabi. Bwisit ka rin.

(Pinagdaanan your face! Hindi ikaw ang nagplano lahat dahil ako ang nagsusulat ng kwento na 'to, kaya ako ang nagplano lahat. Tarantadong 'to)

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon