KABANATA 41

252 20 0
                                    

~~★~~

Beatrice POV

"Oliver, may nakita ka ba?" Tanong ko

"Wala. Wala pa naman" sagot niya saaken at naupo sa harap ng mesa.

"Magiging maayos lang ba talaga ang lahat?" Kinakabahang tanong ni Anitha. "Nag-aalala ako para kay, Thea." Dagdag niya.

"Sa totoo lang hindi ko rin alam" sagot ko. "Nandito tayo para kay Avie, at gagawin naten lahat para matulungan siya kaya huwag kayo magpakita ng kahinaan dahil ayokong mag-alala siya saaten" dagdag ko.

Eto kasi ang nangyare kahapon.

*Flashback*

"Woii nakita niyo ba si Avie?" Tanong ko sakanila ng buksan nila ang pintuan.

"Huh? Bakit? Wala ba sa silid niya?" Tanong din ni Harold.

"Wala. Pinuntahan ko pero wala naman pati si Alex, wala rin." Sabi ko.

"Baka naman magkasama yung dalawa. Alam mo naman yun"

"Siguro nga" Sabi ko at tatalikod na sana ng bigla akong nakaramdam ng kakaiba.

Babaliwalain ko na sana ng makarinig ako ng parang natumbang stick o kung anong bagay na magaan lamang kaya sumenyas ako sakanila na tumahimik.

"Bakit?" Pabulong na sabi ni Agatha saka lumapit ng dahan-dahan saamen.

"Narinig niyo yun?" Tanong ko.

"Ang alin? Hoy Beatrice wag kang nananakot ha" natatakot na sabi ni Charisse at mas dumikit kay Anitha.

"Hindi. May kung ano kasing bagay na parang bumagsak, hindi niyo narinig?" Tanong ko at nagpalinga-linga.

"Sheess rinig ko na" nangingilabot na sabi ni Anitha at nagpalinga-linga din sa paligid namen.

Puro kwarto lang naman ang nandito saka sa dulo hallway na papunta sa baba doon naman sa kabilang dulo hindi ko na alam hahahahahaha.

Narinig ko ulit kaya tumakbo ako papunta sa kwarto ni Avie kasi parang doon nanggaling yung tunog. Ehhh ang creepy ng tunog ehhh, alam niyo yun yung parang tubig na pumapatak paisa-isa tapos medyo creppy yung tunog tapos parang feeling mo papalapit sayo, yung ganon. Ackkk kinikilabutan ako.

Pagbukas ko ng pinto hinanap ko agad kung nasaan yung tunog.

*Tik*

Lumingon ako sa gilid ng marinig yun.

*Tok*

Isa pa at parang papalapit naman ng papalapit saaken yung tunog. Nagsilapitan naman sila saaken at sumiksik.

"Ano ba?" Sabi ko at tinanggal yung kamay nila sa katawan ko. "Asan ba sila Oliver at Eunice?" Tanong ko.

"Ewan" bulong ni Simon.

*Tok*

"Sheess" reack nila.

"Hihihihihi" rinig kong tawa ng isang babae. Bungisngis ba yun?

*Tok* *Tok* *Tok* *Tok*

Palapit ng palapit yung tunog sa pwesto namen kaya takot na takot naman 'tong mga 'to.

"Kailangan ko na inyong tulong" biglang sabi ni Avie.

"Kyaaaaaaaa!!!" Sigaw nila.

*Pak*

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon