SPECIAL CHAPTER 1

553 18 0
                                    

~~★~~

3 years later...

Alexander POV

Tatlong taon na pala ang nakalilipas simula ng mangyare ang lahat 'no? At tatlong taon na din kaming namumuhay ng payapa. Ngunit pakiramdam ko parang kahapon pa rin simula ng ikasal ako kay Vinnice.

"Mahal na hari, naririto na ho tayo" sabing aking drayber.

At talong taon na din simula ng itanghal ako bilang bagong hari ng aming kaharian kaya masyadong naging abala ako pagkatapos ng aming kasal ni Vinnice.

At heto nga at nasa harapan na ako ng kaharian ng Auria para siya'y bisitahin at makita. Kinuha ko naman yung bulaklak na aking pinitas sa hardin na aming kaharian kanina para sakanya.

Inamoy ko naman iyon at napangiti ng maamoy na sobrang bango non. Mas napangiti naman ako ng sobra ng maisip kung ano ang kanyang magiging reakyon kapag nakita ako.

Pumasok naman ako sa loob at bumati naman ang mga diwatang nakakasalubong ko kaya ngumiti lang ako sakanila.

Nakarinig naman ako ng mga yabag na nagmamadali bumaba ng hagdan kaya itinago ko sa aking likuran ang aking hawak na bulaklak dahil sigurado akong ang aking asawa eto.

"Mahal!" Nagmamadali at nakangiti niyang sabi habang pababa ng hagdan.

"Mahal ko, magdahan-dahan ka at baka ika'y mahulog at madapa" sita ko sakanya ngunit hindi siya nakinig.

Kaya naman sinalubong ko siya sa hagdan at inabot ko sakanya ang aking kamay upang siya'y alalayan ngunit nagulat ako ng bigla niya akong niyakap sa leeg kaya kamuntik na kaming matumba kung hindi ko lang iniyakap ang dalawa kong kamay sa kaniyang bewang.

"Alex! Alex! Alex!" Masayang-masaya niyang sabi at tumalon talon pa habang yakap ako.

"Aray mahal, nasasakal ako" sabi ko.

"Ay pasensya na, natutuwa lang ako" nakangiting sabi niya at ginawaran ako ng halik sa labi ngunit hindi pa rin inaalis ang kamay sa aking leeg

"Ang tamis naman non, isa pa nga" sabi ko at pumikit saka ngumuso.

Ang akala ko ay pipitikin niya ang aking nguso ngunit sa halip ay binigyan niya pa ako ng isa pang halik sa labi at medyo may katagalan iyon.

Nakakagulat, kadalasan kasi ay pipitikin niya talaga ang aking nguso kapag humingi pa ako ng isang pang halik sakanya.

"Mukhang masayang-masaya ang mahal ko ahh, anong meron?" Nakangiting sabi ko sakanya. "Ngunit bago mo sabihin iyan may ibibigay muna ako" dagdag ko at inilabas na yung bulaklak mula sa likod niya at binigay yun sakanya.

"Awww. Maraming salamat mahal ko, ang bango!" Nakangiting sabi niya at nagulat ulit ako ng halikan niya ulit ako sa labi. "May magandang balita ako sayo" dagdag niya at ngumiti ng sobrang lapad kaya nahawa ako sakanya.

"Ano iyon? Mukhang maganda nga dahil napakaganda rin ng iyong pagkakangiti mahal ko" Sabi ko at inalalayan siya pataas ng hagdan.

Binigay niya naman yung bulaklak na binigay ko sakanya sa isang tagapagsilbi at pinaayos iyon sa kanyang silid.

"Naalala mo ba yung sinabi ko noon na ikaw lang ang una't huling prinsipe na aking mamahalin?" Sabi niya kaya tumango naman ako. "Hindi ikaw ang huli mahal ko" nakangiting dagdag niya na ikinakunot ng aking noo.

"Bakit? May iba ka na bang napupusuan mahal ko? Sino iyan? Bakit–"

"Hahahahaha wag ka ngang OA" Sabi niya at kinurot ang dalawa kong pisngi pag-apak namen sa dulo ng hagdan.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon