KABANATA 36

268 24 0
                                    

~~★~~

Althea POV

"Asan ba ang opisina ng heneral?" Tanong ko sa mga gwardya.

"Samahan ko na ho kayo, prinsesa" Sabi niya.

"Hindi na. Ako na lang, ituro niyo na lang saaken" nakangiting saad ko sakanya.

"Sigurado ho kayo?" Tumango naman ako. "Liliko ka ho doon sa tindahan na yun tsaka makikita mo ho doon ang pulang malaking pintuan, doon ho po ang opisina niya." Saad niya.

"Salamat. Hintayin niyo lang ako rito" Saad ko.

Sinunod ko naman yung sinabi ng gwardya at pinuntahan kung nasaan ang heneral.

"Nandirito ba sa loob ang heneral?" Tanong ko sa isang babae dito.

"Prinsesa" bati niya at yumuko saaking harapan. "Nandoon po siya" Sabi niya at itinuro ang isang pintuan.

Pinuntahan ko naman yun at  kakatok na sana ng marinig kong may kausap siya. Aalis na sana ako ng biglang mabosesan ko ang nagsasalita.

"Hindi mo na kailangang patayin ang bata. Kumagat na sa pain naten si Elgion, hahayaan muna naten silang magsaya sa araw ng kaarawan nung bata, at pagkatapos non mapapasaaken din ang palasyo" rinig kong sabi ng pamilyar na boses ng babae.

Nagdesisyo akong umalis na lamang at magmadaling lumabas ng lugar na yun na seryoso ang mukha.

"Pakisabi na lang na umalis na kami, at hindi na nakapagpaalam sakanya dahil tanghali na, hinahanap na kami ng hari sa palasyo." Sabi ko doon sa babae.

"Sige po prinsesa, mag-iingat ho kayo pabalik" Sabi niya at yumuko ulit sa aking harapan.

"Salamat" Sabi ko at dali-daling pinuntahan si Elethea. "Uuwi na tayo, Elethea" nakangiti kong sabi.

"Ayyy, sige paalam na" Sabi niya sa mga kalaro niya at kumaway pa.

"Paalam, prinsesa!" Sabi naman nila.

"May problema ba, ate?" Tanong niya saaken habang naglalakad.

"Huh? Wala naman bakit?" Tanong ko.

"Mukhang hindi ka mapakali ehh" Sabi niya.

"Ano... kasi nagugutom na ako. Oo yun nga" palusot ko.

"Ayown pagkain. Yan tayo ate ehhh, tara na dali" Sabi niya at hinila ako patakbo.

Nagkamali lang ba ako ng rinig o talagang siya iyon?

Alexander POV

"Prinsepe Alexander" nagugulat na sabi ng aking gwardya dito sa palasyo namen "Bakit ho kayo nandirito?" Dagdag niya at sumabay sa aking paglalakad.

"Nasaan ang ama?" Tanong ko at hinubad ang suot kong coat na blue.

"Nasa kanyang silid ho prinsipe, may problema ho ba?" Tanong niya.

"Wala naman" sagot ko. "Hintayin mo na lang ako rito" dagdag ko at dumiretso sa silid ni ama.

Kumatok muna ako bago pumasok ngunit nakita kong may kausap siya sa telepono at lalabas na sana ako ulit ng marinig ko ang 'ngalan ni Vinnice.

"Oo naman pupunta ako riyan sa kaarawan niya... sige sige ihanda niyo na rin ang ating regalo para sakanya... hahahahahahaha oo... ohh siya at ibababa ko na."

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon