KABANATA 4

1.6K 190 12
                                    

~~★~~

Althea POV

“Try to hit his face” Sabi ni Alexander

This is our fourth day of training and guess what? I’m having a figth with this man here with my own hands. At buong akala ko hanggang sa pag-e-espada at pag-papana lang ang gagawin ko, hindi pala. Mahirap na nga yung mga yun mas pinahirapan pa ako.

Eto kasi ang sabi ni ama.

*Flashback*

Hay salamat, pagkatapos ng tatlong araw natapos din ang pagsasanay ko.

“Prinsesa tumayo ka nga riyan, ang dumi-dumi jan ehh” Sabi ni Deltha.

Ehh pano nahiga na akong tuluyan sa damuhan.

“Mamaya na, pagod pa ako” Sabi ko habang pagulong-gulong pa sa damuhan.

“Tumayo ka na riyan, prinsesa dahil papalapit and iyong ama dito” Sabi ni Alexander kaya dali-dali naman akong tumayo at nakita ko nga si ama.

“Ama!” Masayang sabi ko at tumakbo papunta sakanya at niyakap siya saka pinulupot ko ang aking paa sa kanyang paa.

“Anak bitaw na, hindi ka ba nahihiya sa prinsipe? Para kang hindi dalaga niyan sa ayos mong 'yan hahahahaha”

“Natutuwa lang ako ehh” sabi ko sabay bitaw sakanya.

“At bakit naman natutuwa ang prinsesa ko? Ano ang dahilan?”

“Kasi tapos na ang pagsasanay namen. Natutunan ko na ang paggamit ng espada at pana ama!” Masayang sabi ko.

“Hindi pa anak. Kasi sa susunod ninyong pagsasanay, matutunan mo kung paano mangarate at bumaril.” Sabi niya.

“Meron pa? Pero bakit? Ama?” Sunod-sunod kong tanong.

Ano ba yan may kasunod pa? Whaaaa ang sakit na ng katawan ko ehh.

“Since you learn quickly, I decide na sanayin ka rin gumamit ng baril at kahit walang mga kagamitan, marunong kang lumaban gamit ang iyong kamao at paa. I know you can do it, princess”

*End of Flashback*

Kaya andito ulit ako sa damuhan na to, hindi na ako nakareklamo dahil sa linyahan ni ama na ‘I know you can do it’ tch.

Pero ibig sabihin non may tiwala si ama sa kakayahan ko, kaya pagbubutihin ko na lang eto.

*Boogsh*

“Bravo, Althea!”

Ay parang tanga lang? Tss siya kaya sapakin ko sa mukha.

“Bravo mo mukha mo!” Singhal ko sakanya.

Aray ang sakit sa kamay, tigas din ng bungo netong kinuha niyang tao. Sakit.

“Where did you learn that kind of words?” Tanong niya.

Hindi ba siya nagbabasa? Pero sabagay hindi rin naman sa libro ko nakukuha yang ganyang mga salita. Kusang lumalabas sa bibig ko ehh.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon