KABANATA 37

235 21 0
                                    

~~★~~

Althea POV

"Ina, kurutin mo nga ho ako" saad ko dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang nakilala ko na ang aking tunay na ina.

"Bakit?"

"Hindi naman panaginip 'to diba?"

"Hindi ito isang panaginip anak, Gising ka ng maglakbay rito, pinatulog ka lang ni Andrea, upang hindi ka hanapin sa palasyo" paliwanag niya.

"Kilala niyo ho ang diwatang iyon?" Tanong ko.

"Halika, isa akong diwata mahal ko" Sabi niya na ikinagulat ko.

"Ibig sabihin–"

"Oo. Isa ka ring diwata at kalahating tao" nakangiti niyang sabi. "Ipapakilala ko muna ang aking sarili. Ako si Erethrea at eto... ako eto" Sabi niya at biglang lumitaw yung mukhang aking ipininta na sinasabing kamukha ko raw sabi ng aking mga kaibigan noon.

Hindi naman ako nakapagsalita ng dahil sa gulat.

"Ako iyan nung dalaga ako. Hindi ko alam kung paano mo naalala ang aking mukha ngunit tuwang-tuwa ako nung matapos mo iyan" kwento niya at mas lalo naman akong nagulat.

"M-m-matagal niyo na akong binabantayan?" Gulat kong tanong at ngumiti naman siya bago tumango. "P-paano? N-nung araw na yun ina maraming bumaon na bala sa iyong katawan–"

"Tinulungan ako ng aking mga kapatid anak, ilang taon din akong nakahilata sa aking higaan bago tuluyang gumaling at makabalik ang aking mga kapangyarihan" Saad niya.

"Ilang taon din ho kayong nakahilata?" Tanong ko.

"Magdadalawang taon din anak" sagot niya.

"Ehh ina, pwede ko malaman ang mga pangalan ng iyong mga kapatid?"

"Sila Gabriella, Cleopathra at Andrea anak"

"K-kapatid niyo ho yung Andrea, kanina?"

"Hahahhaaha oo bakit hindi ba kami magkamukha?" Natatawa niyang sabi.

Tinignan ko naman siya ng maayos at, oo nga magkamukha pero mas maganda nanay ko.

'Naririnig kita, Althea'

Bigla naman akong may narinig na boses sa aking isipan kaya nagulat ako

"Hala! Sino yun?" Gulat kong sabi.

"Hahahaha ang Tita Andrea, mo iyon anak" nakangiting sabi ni ina.

"P-paanong? Nababasa niya ho ang isip ko? Paano?" Sunod-sunod kong tanong.

"Kumalma ka muna anak. Nakakabasa siya ng isipan at dahil ikaw ay nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan naabot niya ang iyong isipan" paliwanag ni ina.

"Whaaaa ang astig!" Manghang sabi ko. "Pero ina nasaan pa po yung dalawa niyong kapatid?" Tanong ko ulit.

'Nandito kami iha. Ako si, Cleopathra'  rinig ko naman ng isa pang boses ng isang babae.

'Ako naman si Gabriella'

Rinig ko namang sabi ng isa pang boses ng babae.

"Hello po" Sabi ko at nagpalinga-linga dahil baka sakaling makita ko sila rito. "Lahat po kayo nakakabasa ng isipan, ina?" Tanong ko.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon