KABANATA 20

402 47 5
                                    

~~★~~

Althea POV

"Saan na tayo?" tanong ni Charisse ng marapos kaming kumain at naglalakad na.

"Sa taas netong mall" sagot ni Dalla

"A-ano tayo doon?" tanong naman ni Anitha.

"Maglalaro" sagot ni Rafael

"Maglalaro? Ng ano? Habol-habulan? Jan sa taas?" sunod-sunod kong tanong.

"Ay Avie, tanga lang. Habul-habulan? Sa taas? dito sa mall? Na maraming tao? Bata lang?" gaya ni Dalla saaken.

Napapatawa na lang talaga ako kapag ganyan na ang inaasta niya.

"Aba'y natural Avie, ibang laro ang tinutukoy ko. Jusko kukupas ang ganda ko sayo nakakaloka. Halika na nga" dagdag niya sabay angkla ng kamay sa braso ko.

Pagkarating namen sa taas. Nabasa ko sa karatula ang 'TOM'S WROLD' tapos may parang mga makinarya na gumagalaw sa loob ng isang parihabang hugis na may mga laruan sa loob.

"Eto na ba 'yon?" tanong ko.

"Yup, 'yan ang sinasabi ko Avie, kung hindi mo matandaan naglaro ka na dati ng mga ganito noong bata pa tayo" sabi niya.

Huh?

"Tara na may token na tayong nabili dali" sabik na sabi ni Earl.

Pagpasok namen, hinila agad ako ni Dalla, doon sa mga bola.

"Dito Avie, dali turuan kita kung paano laruin 'to" sabi niya at naghulog ng isang barya.

Yung token ata yun.

Inabot niya saaken yung isang bola at kumuha din siya at ipinasok doon sa ring. Kung hindi ako nagkakamali basketball ang tawag sa laro na eto.

Pumunta siya sa isa pa at naghulog din doon.

"Ako dito, ikaw dcyan. Paramihan tayo Avie, ang talo pipitikin sa noo ng tatlong beses" sabi niya

"Sige" sabi ko.

Hinahamon mo ako ahh.

Sinimulan ko na at wala pang pumapalya. Ng patapos na ang oras inagaw ko sa kamay ni Dalla yung hawak niyang bola at ipinasok iyon sa ring. Shoot!

"Whaaaa Avie, ang daya naman ehhh."

"Hahahahahahahaha kalimutan mo na yung pitik hahahahahaha" tumarawa kong sabi.

Mayamaya lang hinila naman ako nila Eunice at Cheska doon sa mga laruan na nakapalood doon sa kahon.

"Avie, tulungan mo kaming makakuha non please" sabi ni Eunice sabay turo doon sa isang stuff toy na napakacute.

"Sige pano ba to?"

"Gagalawin mo lang eto tapos gagalaw na din yung sipit-sipit doon sa loob tapos kapag nasa tamang posisyon na, pindutin mo naman etong buton tas 'galaw mo ulit eto papunta doon sa butas" Paliwanag ni Cheska.

Ginawa ko naman at nakuha ko nga yung gusto nila. Hanggang sa hindi na nila ako tinigilan at hulog na sila ng hulog ng token kaya halos mawalan na ng laman yung kahon.

"Uwhaaaaa ang galing mo talaga Avie, hati-hati tayo ritong tatlo yieee ang c-cute nila." sabi ni Eunice habang hawak yung nakaplastic na mga laruan.

Napangiti nalang ako dahil tuwang-tuwa talaga siya sa mga yun.

"Anong oras na ba?" tanong ko.

"Hala! ala-singko na mga tae kayo tara na." sabi ni Dalla.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon