KABANATA 18

417 52 4
                                    

~~★~~

Althea POV

Nagising ako bandang ala sais ng umaga at dumeretso na ako ng banyo upang maghilamos at magsipilyo.

(Yuck hilamos lang.)

Bakit binibini, ikaw nga rin hilamos lang sa umaga tapos naliligo ka tanghali na. Minsan nga hindi ehh.

(Aba. Woii palagi akong naliligo noh! Salbaheng 'to)

Whatever. Habang nagsisipilyo naalala ko yung ginawa ni Alex kagabi.

‘Magandang gabi aking, prinsesa’

‘Magandang gabi aking, prinsesa’

‘Magandang gabi aking, prinsesa’

“Aishh. Ginugulo mo ang aking utak, Alex” Sabi ko sabay dura nung tubig sa lababo. “Nakakainis. Sa susunod talagang tatadyakan ko na siya” dagdag ko sabay labas sa aking silid.

Pumunta na lang ako ng kusina ng makita kong wala pang taong naglalakad sa pasilyo at wala pang nag-iingay kaya kumuha muna ako ng maiinom na tubig.

“Magandang umaga, Ma’am Althea” nagulat ako ng biglang may magsalita sa aking likuran dahilan para masamid ako. “Hala! Pasensya na po, Ma’am Althea! Nagulat ko ho ba kayo? Pasensya na po” natataranta niyang sabi sabay himas sa aking likuran.

Ngunit bigla na lang may parang kuryente ang dumaloy sa aking likuran habang hinahaplos niya iyon. Ano iyon?

“H-hindi ehem... ayos ehem... lang ehem... ehem” putol-putol kong sabi.

“Pasensya na po talaga hindi ko sinasadyang gulatin kayo, sorry po.” Paghingi niya ng paumanhin.

“Shh. Ayos na, ok na ako. Wag ka ng maingay baka magising pa sila ayos na ako, sige na kumalma ka na” sabi ko.

“Pasensya na po talaga” ulit ni Eya.

“Oo na, oo na. Bakit pala ang aga mo magising?” Tanong ko na lang para tumigil na siya.

“Ahh kasi po excited ho akong paglutuan kayong lahat ng pagkain kaya gumising po talaga ako ng maaga para pag-gising niyo may pagkain na ho” Magalang na paliwanag niya.

“Ganon ba? Nakakatuwa ka naman. Ilang taon ka na ulit?” Natutuwang sabi ko.

Mabilis lang naman kasi ako matuwa sa isang tao lalo na kapag komportable ako kausap ito. At naaalala ko sakanya si Deltha.

“Dalawang’put isa po” nakangiti niyang sabi. Napakaaliwalas ng kanyang mukha at masiyahin. “Gusto niyo ho bang maiinom?” Tanong niya.

“Sige” nakangiting sabi ko.

“Teka lang po ha” sabi niya at pumunta sa kusina upang magtimpla.

Habang nagtitimpla siya pinagmasdan ko muna siya ng mabuti. Matangkad. Maputi. Mahaba ang buhok. Medyo payat at maganda rin. How come na ang isang tagapagsilbi gaya niya ay may natatanging ganda at kinis ng balat? May lahi ba siya?

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon