KABANATA 48

214 17 0
                                    

~~★~~

Althea POV

Patuloy akong nakipaglaban sa lahat ng aking makikitang humaharang sa aking daan. Kailangan kong makuha sila ama at Elethea, hindi pwedeng mapahamak silang dalawa.

*KASHINGG*

Napaatras ako ng biglang may lumitaw at tumutok ng espada sa aking leeg.

"Sino ka?" Tanong ko dahil ngayon ko lang nakita ang kanyang mukha.

Ngumisi naman siya at humakbang papalapit saaken habang nakatutok pa rin saaken ang patalim ng espada kaya umatras naman ako.

"Hindi mo ba ako naaalala?" Nakangising tanong niya habang papalapit saaken ng papalapit.

Hinawakan ko naman ng mahigpit ang aking espada saka pinatamaan ang sakanya kaya tumilapon ang kanyang espada.

"Kung sino ka man, hindi kita kilala at siguradong hindi ka parte ng aking buhay" seryosong saad ko saka tumakbo papalapit sakanya at iwinasiwas ang aking espada ngunit bigla siyang nawala.

"Malaki ka na at malaki rin ang iyong pinagbago" lumingon naman ako sakanya at nakita kong pinulot niya ang kanyang espada habang nagsasalita.

Nilabas ko naman ang yelo sa aking kamay at pinatamaan siya ngunit bigla ulit siyang nawala kaya nagpalinga-linga ako.

"Lumalakas na rin ang iyong kapangyarihan" rinig kong sabi niya malapit sa aking tenga.

Ng lilingunin ko na sana siya ng bigla ulit siyang nawala at naramdaman ko namang pumunta siya sa aking likuran kaya itinutok ko ang aking espada sakanya.

"Sino ka bang talaga?" Seryoso kong tanong.

Gumalaw naman siya kaya sinundan ko ang kanyang galaw habang nakatutok pa rin ang espada sakanya.

Narinig ko naman ang matunog niyang pagngisi saka ang paglabas ng apoy sa kanyang kamay at ngayo'y papalapit na saaken.

Mabuti na lang at nakaiwas agad ako.

"P-paanong? Sino ka?!" Naguguluhan kong sigaw sakanya.

"Hulaan mo" mapangasar niyang sabi saka umatake saaken.

Agad ko namang sinalag ng aking espada ang kanyang espada kaya naglikha eto ng malakas na tunog na sobrang sakit sa tenga.

"Althea Vinnice Willoughby. Napagandang pangalan ngunit hindi bagay sayo ang trono" Sabi niya ulit at akmang maglalabas ulit ng apoy ng unahan ko siyang atakihin gamit ang espada.

"Erethrea Vince Willoughby. Ang iyong ina hindi ba? Kuhang-kuha mo nga sakanya ang iyong mukha at ugali. Ngunit nababagay kayong mamatay" Saad niya ulit at sunod-sunod ang kanyang ginawang atake.

Kaya naman puro sangga ang aking ginawa. Nakita ko naman na malapit na kami sa labas ng palasyo kaya tinignan ko siya ng seryoso saka naglaho at pumunta sa kanyang likuran ng mabilis at pinatamaan sa likod ng aking espada.

Narinig ko naman ang kanyang pagdaing at nakita ko naman ang paglabas ng dugo sa kanyang likuran.

"Wala kang karapatang sabihin kung ano ang nararapat saamen. Sisiguraduhin kong mamatay kayong lahat" seryoso kong sabi at pinatamaan siya ng napakaraming nagyeyelong mga patalim ngunit tanging ginawa niya lang ay ang iwasan eto gamit ang paglalaho.

"Hindi mo tatanungin kung nasaan ang iyong ama at kapatid ha, Althea?" Nakangisi niyang sabi. "Sigurado akong pinaglalamayan na sila ng–" hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin ng maglaho ako at lumapit sakanya at lumitaw sa kanyang harapan sabay wasiwas ng espada pahalang dahilan para madaplisan ulit siya sa tiyan.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon