KABANATA 31

281 29 0
                                    

~~★~~

Althea POV

"Alis na po kami tito, tita" paalam ko sakanila.

"Ohh siya sige na, mag-iingat kayo ha" Sabi ni Tita Queenie.

"Alagaan mo ng mabuti etong si Althea, Alexander ha" Sabi naman ni Tito Aaron.

"Opo"

"Tsaka bantayan mo rin 'yang mga 'yan, uuwi kayong palasyo ng kompleto ha" dagdag niya.

"Opo. Wag ho kayong mag-alala babantayan ko sila ng maayos"

"Sige na at umalis na kayo. Diretso sa bahay ha, wag na pumunta kung saan-saan." Sabi naman ni Tita Karen.

"Mauna na po kami!" Paalam nila sabay pasok ng sasakyan.

Bago kami umalis nakakain na rin kami at nakaligo na rin. Umandar na ang sasakyan at nagsimula naman silang mag usap-usap.

"Wala bang naiwan?" Tanong ni Alex.

"Wala naman ata" Sagot ni Eunice.

Lumingon naman ako sa likod para tignan kung kompleto nga kami. Ngunit... Si Dalla!

"Si Dalla, wala dito" Sabi ko.

"Takteng babaeng yun oo, teka nga at tatawagan ko." Sabi ni Cheska.

Nang sagutin ni Dalla ang tawag nagtawanan naman kami ng bumungad ang sumisigaw niyang boses saamen

"Hoy mga punyeta kayo! Iniwan niyo ako dito. Umihi lang ako sandali"

Pinutol na lang bigla ni Cheska yung tawag.

"Kuya balik ho tayo, naiwan yung bungangera nameng kaibigan ehh" Sabi niya sa driver.

"Sige po, ma'am" sagot naman neto.

At ng makabalik kami agad namang bumukas ang pintuan at tinakpan agad namen ang mga tenga namen.

"Aba, sinabi kong hintayin ako dahil iihi lang ako. Hoy punyeta kayo Oliver, kayo sinabihan ko– hmmm" nagulat kami ng sa kalagitnaan ng pagsisigaw niya bigla na lang may humalik sakanya.

"J-japhet?" Gulat na sabi niya.

"Baby, let's talk" Sabi neto, nagsusumamo.

"Aytt sige na bakla, pagbigyan mo na 'yan. So bye again" Sabi ni Eunice sabay sarado ulit ng pintuan. "Kuya, arat na po" dagdag niya.

"Siya ba 'yon?" Tanong ko.

"Ang alin, Avie?" Tanong ni Eunice.

"Yung nasa cellphone ni, Dalla" Sabi ko.

Napansin ko kasi iyon nung isang araw.

"Ahh yung sa lockscreen at wallpaper niya. Oo siya nga yun, yung ka MU niya" Sabi naman ni Oliver. "Nakiusap kasi kaninang madaling araw, kaya ginawan namen ng paraan" dagdag niya.

Napatango-tango naman kami.

"Ohh siya hayaan na lang naten sila, problema nilang dalawa yun. Ano bang gimik naten ngayon?" Sabi ni Cheska.

"Since nandito na naman si Elethea, tuturuan na lang naten siyang lumaban. Ano game?" Sabi ni Rafael.

"Hala! Talaga kuya!?" Masayang sabi ni Elethea.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon