KABANATA 3

2.6K 208 10
                                    

~~★~~

Alexander POV

Habang ako'y naglalakad naiisip ko pa rin yung mukha kanina ni Prinsesa Althea, nung itapon ko sa direksyon niya ang laruang palaka. It’s priceless hahahahahahahaha but I'm happy to see that reaction again. Sana... Kahit papaano palagi ko siyang nakikitang masaya at nakangiti.

Althea POV

“Ahh aray” reklamo ko.

“Ay pasensya na po. Paano kasi kapag hindi naten eto na higpitan ang pagkakatali sa buhok mo ehh matatanggal 'yan mamaya, prinsesa” sabi ni Deltha.

Ehhh paano tinitirintasan ako para daw hindi makasagabal sa pagsasanay namen mamaya, ang sakit kaya! Huhuhuhuhu.

“Oo na, pero dahan-dahanin mo naman please.” sabi ko dahil pakiramdam ko pati anit ko matatangal ehh.

“Opo, prinsesa… pero prinsesa sigurado ka ba na ayos ka lang talaga? Baka mamaya sumakit na naman 'yan na ulo mo, o di kaya mahimatay ka na lang bigla doon”

“Ayos lang ako tsaka kung mahimatay man ako edi… malamang matutumba at mawawalan ako ng malay ano ka ba” pag-bibiro ko.

“Wag ka ngang pilosopo prinsesa, seryoso ako”

“Pinapatawa ka lang ehh”

“Pwes hindi nakakatuwa, prinsesa”

“Pangako ayos lang talaga ako wala kang dapat na ipag-alala” paninigurado ko sakanya.

Nang matapos siya sa pag-aayos saken nagpaalam muna akong pupunta sa silid na aking ama ngunit habang naglalakad, nakasalubong ko ulit si, Alexander.

Ano ba ang pinag-gagawa neto at palakad-lakad eto dito?

Hindi ko na sana siya papansinin ngunit sadyang hindi ko talaga mapigilan ang magtanong kaya tinawag ko siya.

“Prinsipe Alexander” Tawag ko at naramdaman ko naman na huminto siya sa paglalakad kaya umatras ako ng ilang hakbang para magkaharap kami.

“Ano iyon aking, prinsesa?”

Ayan nanaman siya.  Pilipitin ko kaya ang dila neto.

“Bakit ba palakad-lakad ka dito?”

“Bakit bawal ba ang palakad-lakad dito?” Tanong niya din na may inosenteng mukha.

“Sinabi ko bang bawal? Tinatanong lang kita kung bakit ka palakad-lakad ahh?” Tanong ko ulit.

“May sinabi ka bang bawal? Tsaka sinagot naman kita ahh?” Balik niya ulit ng tanong saken.

“Teka nga. Kanina mo pa ako sinasagot ng tanong, sagutin mo ako ng maayos”

“Teka nga lang din. Kanina ka pa din tanong ng tanong bakit ba?”

“Errr wala kang kwentang kausap.”

Makaalis na nga. Nakakailang hakbang pa lamang ako ng may maalala ako.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon