Prologue

448 31 19
                                    


#BDPrologue

"I want you to take this case," seryosong sabi ni Dr. Medina habang chinecheck ang files ng pasyente bago niya ito inabot sa'kin. "It's complicated but I'm sure you'll like it," dagdag nito.

"T-thank you po! Big opportunity po ito for me!" I smiled. "Kailan po pala ang target date for the operation?" dahan-dahan kong tanong sakanya.

Baka kasi sa sobrang tuwa ko ay makaistorbo pa 'ko ng mga pasyenteng nagpapahinga rito.

"Next month, after the kid's graduation," sabi niya at tuluyan nang nawala sa paningin ko.

"Shit," I muttered. 

Kakaibang stress ang nararamdaman ko ngayon. Bakit naman kasi next month na agad? Hindi pa gano'n kalaki ang tiwala ko sa aking sarili pag dating sa ganito...

Nakakatakot at nakakakaba.

Pero trabaho ko ito, masaya ako sa ginagawa ko kaya kahit na may takot ay ilalaban ko 'to, para gumaling na rin ang batang 'yun.

I was walking towards my car nang bigla kong maalala 'yong bakasyon na plinano ni Audrey para sa akin. Lagot ako pero I really need this case, and I also need to study this case agad para makasama naman ako sakanila next month kahit papaano.

I started driving na dahil balak ko muna magpalipas ng oras sa coffee shop habang inaaral ang case nung batang ooperahan next month. Tapos na rin naman kasi ang duty ko and there's still no update naman sa plano ng mga college friends ko na mag reunion sa bar nila.

Kakatapos ko lang mag park sa tapat ng coffee shop at naisipan ko muna tignan ang phone ko. Nagbabaka-sakaling may update na sa plano nilang party mamaya around BGC.

Uso pa rin pala talaga ang 'drawing' sa panahon ngayon, reunion daw pero wala ng mga paramdam?

Bababa na sana ako ng sasakyan nang biglang nag ring ang phone ko.

'Hoemie is calling...'

"Hello, Celest?! Tinanggap mo daw offer ni Dad? Girl! Why did you accept it ba? Diba we planned a vacation na para naman 'di ka puro work lang!" Galit na sabi ni Audrey.

"Chill, Addie," kalmadong sabi ko habang inaayos ang mga gamit na dadalhin ko sa coffee shop. "Sayang naman kasi offer ni Tito Jake. It's a win-win situation, I need that opportunity," pag-papaliwanag ko sa best friend ko habang palabas na ng kotse.

"But Celes-"

"I'll call you later nalang, ha? I need to study pa. Bye!" Pag-putol ko sakanya at tuluyan nang ibinaba ang phone.

Yes, Dr. Medina is Audrey's dad and is also the 'Chief of Surgeon' sa hospital na pinagtratrabahuhan ko.

While walking towards the coffee shop, naalala ko bigla ang sinabi ni Audrey. I need that vacation para makapagpahinga at para mag enjoy dahil puro na lang ako trabaho... but I also need that opportunity, kailangan na kailangan ko 'to.

"Good evening. Cold brew coffee with milk, please. Venti," sambit ko.

"Your name po, Ma'am?" Tanong ng barista sa'kin habang nakangiti.

"Celestine," maikling sagot ko at agad na kinuha ang card ko sa wallet para mabayaran na ito.

After she returned my card, I went straight to my favorite spot, sa dulo, malapit sa malaking glass door na papunta sa mga upuan sa labas kung saan kitang-kita ang langit.

"Bakit naman kasi super complicated nito?" Reklamo ko.

Habang hinihintay ang iced coffee na inorder ko, I decided to fix my things nalang sa table so I can start reviewing na uli. Paano ba naman kasi? Dr. Medina offered me a case. Yes, a case. A very complicated case.

Alam ko naman na dapat excited ako kasi big opportunity 'to for me. Ang problema lang kasi ay tiyak manonood ang seniors ko, and I'm not okay with that. Masyado akong kabado pag may nanonood sa ginagawa ko. Hindi na kasi ako sanay at saka alam ko rin na magagalit si Audrey sa'kin dahil we agreed na to go on a vacation next month, pero ano pa nga ba magagawa ko? Tinanggap ko na, e.

"Pink drink for Ms. Claire"

"Chocolate Cookie Crumble Créme Frappuccino for Sir D!"

Ilang tao na ang nakakuha ng orders nila pero 'di parin tapos 'yung iced coffee ko. That's why I decided to approach the cashier nalang and ask if matagal pa ba or what. Kasi naman 'no? Kulang na kulang na nga ang oras ko to study this case, plus! I really need a coffee para gumana brain ko tapos super tagal pa dumating?

Lalapit na sana ako sa cashier ng bigla nalang nila tawagin ang pangalan ko, "One Iced coffee for Ms. Celestine!" Sigaw ng barista na mukhang hinahanap ako dahil kung saan-saan ito tumitingin.

"Finally," bulong ko habang patayo na para kunin ito, kaso... bakit parang basa ang damit ko? Dahan-dahan ko ibinaba ang tingin ko sa suot kong hoodie na natapunan na pala ng kape.

What the hell?!

Sino ba 'to?!

Hindi tumitingin sa dinadaanan!

Tignan mo naman 'to naging kulay brown 'yung puti kong hoodie!

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang pilit na pinupunasan ang hoodie ko. Biglang tumigil ang mundo ko at nabitawan ko rin bigla ang tissue na ginamit ko pamunas sa hoodie ko nang makita ko ang papers ko na naliligo sa kape.

"Shit! 'Yung papers ko! Paano na 'to?!" Habang nag pa-panic ako dito, napansin ko ang matangkad na lalaki na nakatayo lang sa harapan ko at mukhang nakatingin sa'kin.

No.

Nakatitig sa'kin na para bang nakakita ito ng multo.

"Tash?" Halata sa boses nito ang pagkagulat ng makita ako.

Nabitawan ko bigla ang mga papel na inaayos at pinupunasan ko nang marinig ko ang boses na 'yon...

Kilalang-kilala ko ang boses na iyon, hindi ako pwedeng magkamali. His voice gave me butterflies. Naramdaman ko bigla ang panunuyot ng lalamunan ko, paglambot ng mga tuhod ko, at ang pagnginig ng mga kamay ko.

Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko. Our eyes met and it made me anxious, dahilan para hawakan niya ang braso ko at pigilan ako mahulog sa sobrang nginig at lambot ng aking tuhod.

"Tash! O-okay ka lang ba?" Tanong niya na halatang may halong pagaalala.

Sa dinami-rami ng tao sa mundo na pwede ko makasalubong, bakit ikaw pa?

Bakit ngayon pa?

Bakit nasa Pilipinas siya?

Akala ko handa na 'ko makita ka pero bakit hindi ako maka-galaw?

Ano na ang gagawin ko?

Natauhan nalang ako nang bigla niyang punasan ang pisnge ko... bumagsak na pala ang mga luha kong kanina pa nagbabadyang lumabas habang nakatitig sa mga mata niya.

I once found peace in those eyes...


<3

Bawat Daan (Puhon Series #1)Where stories live. Discover now