Chapter Five

87 14 2
                                    

#BD5 — Breathe, Anastasia

Tumawag bigla si Audrey pagkababa pa lang namin ni Kuya sa kotse para utusan kaming bilhan siya ng bagong hoodie— tatlo lang daw kasi ang dinala niya pauwi sa Pilipinas.

Para na ata akong mababaliw, hindi ko pa rin kasi maalis sa isipan ko na tutugtog kami sa Sabado. Aminado naman akong miss ko na rin ang musika pero mas nangingibabaw pa rin sa'kin ang takot at pangamba. Sa Route 196 pa nga daw gaganapin 'yong gig sabi ni Drake kanina habang nasa sasakyan at may chillnuman pa raw.

"Let's buy muna Audrey's hoodie so we can go straight to the music store then McDo," aniya habang ginugulo ang buhok niya.

Tumango lang ako at naglakad na patungo sa clothing store. Nakasunod lang sa'kin si Drake simula pagpasok sa store na 'to, siya nga dapat ang manguna dahil kakabalik ko lang dito sa Pinas pero siya pa 'tong parang takot mawala kaya sunod ng sunod.

Kumuha na 'ko ng apat na hoodie. Simple white hoodie na may konting design sa sleeves at isang vintage black hoodie na may design sa harapan ang binili ko para kay Audrey, isang oversized black hoodie na may design sa likuran naman at white na oversized hoodie na may design na NASA ang kinuha ko para sa'kin.

"Tara na," aya ko kay Drake na kumuha rin pala ng mga bibilhin na damit at hoodie.

Inilabas ko na ang card ko habang inaayos ng staff 'yong mga pinamili namin kaso inunahan ako ni Drake at agad niyang iniabot ang card niya para bayaran lahat ng 'yon.

"Kuya ako na sa damit ko, kay Audrey na lang bayaran mo," mahinang sabi ko kay Drake habang pinipilit ang staff kunin ang card ko.

"I insist, Anastasia, ako na, mahihirapan pa sila," pag pupumilit niya habang tinuturo ang mga staff na nakatitig lang sa'min at naguguluhan sa nangyayari.

Nagkibit-balikat na lang ako bago bawiin 'yung card ko, "Okay. Sagot ko na McDo."

Siya na rin ang nag bitbit ng mga pinamili namin papuntang music store. May mga nakapaskil pa'ng wag daw pindutin o gamitin ang ibang instruments na binibenta nila kaso nang makita ng staff si Drake na naglalakad papasok, agad itong lumapit sa'min at inalok pa siyang tumugtog kahit isang kanta lang.

Sikat ba ang banda nila?

"Ah, I won't stay for too long; she's hungry," pagpapalusot niya at tinuro pa ako.

"Girlfriend mo, Drake?" Tanong ng isang babaeng staff at nanlaki pa ang mga mata niya.

"Friend po," singit ko at siniko ang nakangising kumag sa tabi ko.

Tinitigan ko ito ng masama at nag kunwaring tinitignan ko ang mga nakasabit na gitara. Nakakahiya! Porque ba kami lang dalawa ay girlfriend agad?

Ew! I call him 'Kuya' kaya, that's so weird.

Habang naguusap pa si Drake at 'yung isang lalaki doon ay napagpasiyahan kong tumugtog muna ng mahina—pero mukhang narining nila 'yon.

"Your friend knows how to play pala, Drake! Dali kahit isang kanta lang," nakangiting sabi ng lalaking staff at pilit na inaabot ang gitara kay Drake at kumuha pa ng microphone with stand.

"One song. She'll do the vocals." Pinanlisikan ko ito ng mata.

I'll do the vocals? Baliw na pala talaga 'to? Hindi naman ako handa, ni wala pa nga akong practice, e.
Parami ng parami pa ang mga taong pumapasok sa music store dahil pinagkalat ng staff na tutugtog daw si Drake sa loob, paano na 'to?

Araw-araw na lang ba 'ko malas?

"What song?" Tanong ni Kuya habang inaayos ang gitara at microphone para itapat sa'kin.

Bawat Daan (Puhon Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt