Chapter Nineteen

71 11 0
                                    

#BD19 — Torn in Two

"Drake! Kumalma ka nga muna!" Giit ko habang sinusundan siya papasok sa bahay ni Yuriko.

Pagdating pa lang kasi namin dito sa tapat ng gate nila Yuriko, hindi na niya ako hinintay pang bumaba ng sasakyan. Nagmartsa na siya agad papasok ng gate, ni hindi na nga ako muling nilingon pa at doon pa lang ay alam ko nang galit na galit na talaga siya.

Tipong isang kalabit mo na lang ay sasabog na.

He was breathing heavily. "How can I calm down, Tash? He obviously cheated on my sister!" Galit niyang sabi pero hindi pa rin niya ako pinagtataasan ng boses.

Nilakad ko ang distansya naming dalawa. Kasalukuyan kaming nasa living room ni Yuriko ngayon. Pinadausdos ko ang aking kamay sa batok niya at dahan-dahan siyang inilapit sa 'kin. Pinulupot ko ang dalawang braso ko sa kanya habang hinihimas ang likod ng kaniyang ulo.

"Shh... You were once like this, too, Drake... Si Fourth ang nagpakalma sa 'yo before, right?" I asked. "Parang hindi naman ata tama na susugurin mo na lang siya bigla doon without listening to his side of the story? Besides, kaibigan mo pa rin si Fourth."

Binaon niya ang kaniyang mukha sa leeg ko. "What do you want me to do? Tolerate him because he's my friend? Stop myself from beating the shit out of him even though he obviously made my sister cry?"

Umiling ako. "Drake, hindi sa gano'n... Kung totoo man na he cheated on Audrey, sasamahan pa kitang sirain ang mukha niya pero wala pa tayong alam... Hindi pa natin alam ang totoong nangyari. Ayaw ko lang maging unfair kay Fourth, gusto ko pa rin marinig ang mga sasabihin niya... Naniniwala pa rin ako na hindi niya kayang gawin 'yun kay Audrey," bakas ang pagaalala at pagasa sa boses ko habang sinasabi ang mga iyon.

Kumalas siya sa pagkakayap sa akin. Pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa bago pumanik paakyat sa roof deck nila Yuriko kung saan nagtipon-tipon ang mga kaibigan namin. Pagbukas pa lang ng pinto, si Fourthsky agad ang bumungad sa amin.

Nakaupo lang si Fourthsky malapit sa pintuan kaya naman siya ang una naming nakita. Gusto ko siyang itulak papalayo dahil alam kong punong-puno na ng galit itong katabi ko at baka masuntok pa siya ng hindi inaasahan kaso mukhang wala naman siyang balak umalis sa kinauupuan niya.

"Pre," sabi ni Kazuo na nakahilig sa railings ng roof deck malapit sa lamesa kung saan umiinom si Audrey.

"D-drake," nauutal na sabi ni Astrid na nakaupo lang sa tabi ni Fourthsky, mukhang pinapakalma ito.

Hindi sila pinansin ni Drake. Diretso lang siyang nakatingin sa kaniyang kapatid. "Audrey..."

"L-love b-birds!" Lasing na tawag ni Audrey.

Habang nilalakad ni Drake ang distansya nila ni Audrey, nilapitan ko muna si Kazuo at sinenyasan siyang pumunta sa kabilang dulo ng roof deck para makapagusap kami ng tahimik at malayo sa gulong mayro'n dito.

"What happened? 'Yung buong nangyari ang gusto kong marinig."

"Gumagawa ako ng plates nang biglang tumawag si Rei sa 'kin. Pinapapunta niya ako dahil si Audrey daw kanina pa inuubos 'yong mga alak na natira natin dito no'ng huling tambay."

"Hmm?"

"Tinawagan ko rin si Fourth para sumunod. Pagdating ko rito, sinalubong ako ni Rei para ipaliwanag ang lahat pero sa tingin ko ay dapat kay Audrey na mismo manggaling ang mga bagay na iyon, Celest..."

"D-did he..."

Kazuo's forehead creased and he sighed after. "Wala namang sila kaya paano naging cheater si Fourth, hindi ba?" He asked. "At saka, sinabi ko naman na sa 'yo noon, ngayon lang namin nakita 'yang si Fourth na ganito ka-seryoso sa babae."

Bawat Daan (Puhon Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon