Chapter Seventeen

75 11 0
                                    

#BD17 — Sit properly, Anastasia

Wala rin naman masyadong ganap sa buhay ko. Normal school days lang. Hinahatid at sinusundo pa rin ako ni Drake at ang balita ko pa nga, e, si Fourthsky na rin ang sumusundo kay Audrey—hindi na raw si Mang Kulas ang gumagaw no'n.

Tuwing uwian, inaaya ako ni Drake umalis para panoorin ulit ang paglubog ng araw. Madalas niya akong hinihintay sa labas ng building namin.

Lagi rin siyang may dalang bulaklak kada sundo sa 'kin, halos mapuno na nga ang kwarto ko dahil sa mga bulaklak na binibigay niya. Hindi naman kasi kasama sa option ko ang itapon iyon, mas gugustuhin ko silang i-preserve at itago.

Madals kaming tumambay ni Drake sa may seaside tuwing may free time kaming dalawa. Hindi ko naman 'yon matanggihan dahil sa sobrang pagmamahal ko sa tanawing 'yon at onti-onti na akong nasasanay sa presensya niya. Gumagaan na rin naman ang loob ko sa kanya.

Natututunan ko na kung paano mabuhay sa kasalukuyan.

Lumipas ang ilang buwan ko sa UST na puro lang ako aral, kain, at pagtambay sa kung saan-saan kasama si Drake at ang barkada. Malaki ang tiwala ng nanay ko kay Drake at mukhang gusto rin naman niyang bigyan ko 'yon ng pagkakataong ligawan ako at ipakita sa 'kin na totoo ang nararamdaman niya at seryoso siya doon kaya hindi naman niya ako pinapagalitan kung halos araw-araw na lang kaming umaalis.

Hatid-sundo ako ni Drake sa school dahil tulad ng sabi ko kanina, tumatambay pa kami sa Mall of Asia para panoorin ang paglubog ng araw habang umiinom ng kape. Minsan ay kina Yuriko rin kami tumatambay—gustuhin man niyang iwasan si Kazuo pero nasa iisang circle of friends lang kami kaya wala talaga siyang ibang choice kung hindi harapin ang dapat harapin.

May mga araw din na abala kaming lahat sa sari-sarili naming buhay. Ang madalas na nakakasama ko sa mga araw na iyon ay ang mga kaibigan ko rito sa UST at tuwing walang pasok si Drake, pinupuntahan niya ako sa school para sumabay sa amin kumain ng mga kaibigan ko.

Mas naging maayos din kasi ang relasyon namin nina Mitch at Gabbi. Silang dalawa ang madalas kong kasama kumain o tumambay kung saan-saan. Mukhang sanay na rin naman sila sa presensya ni Drake tuwing sumasama siya sa'min kumain.

Nakakasalubong ko rin si Kazuo paminsan-minsan dahil sa kagustuhan niyang bumalik si Yuriko sa kanya. Isang buwan na ang nakakalipas pero mukhang wala pa ring magandang nangyayari sa kanilang dalawa. Nagkakausap naman sila at nagkakasama ngunit hanggang dun pa lamang.

Wala pa'ng comeback na nagaganap.

Mas naging close rin kasi kami ni Yuriko sa loob ng ilang buwan na 'yon. Madami kaming napagkakasunduang bagay tulad na lang ng pangaasar sa mga kaibigan namin. Nalaman ko rin sa kanya na close na pala sila ni Fourthsky noon pa man at kumakanta rin pala siya kaso nga lang, e, hindi niya raw iyon pinaparinig sa iba.

Magaan ang loob sa 'kin ni Yuriko at gano'n din naman ang nararamdaman ko para sa kanya. Nagpaturo rin nga ako kung papaano ba magluto noong absent ang prof namin sa Ethics. Sabi ko nga sa kanya, e, kina Audrey na lang kami magluto pero tinanggihan niya naman 'yon.

"Celest! Sasama ka ba?" Tanong ni Mitch.

Inaaya na naman kasi nila ako ni Gabbi kumain sa Muhan sa may P. Noval. Biyernes naman daw ngayon at deserve namin kumain ng samgyupsal bago kami magaral para sa prelims.

"Hindi ako pwede..." I forced a smile. "May usapan kami ni Yuri, e," pagtanggi ko sa kanila.

"Isama mo na lang si Yuri, Celest! Sige na," pagpupumilit ni Gabbi.

Magkaibigan na rin kasi sila ni Yuriko dahil sa'kin. Palakaibigan rin naman si Yuriko kaya wala namang problema kaso mukhang busy ata siya ngayon at ang iba niyang groupmates sa PURPCOM nila. Bahala na, sasabihan ko pa rin siya baka sakaling gusto niya sumunod sa amin.

Bawat Daan (Puhon Series #1)Where stories live. Discover now