Epilogue

105 6 0
                                    

#BDEpilogue

Our wedding was postponed for a year due to a sudden loss of a loved one.

Drake proposed to me two years ago and we planned the wedding a year after but since life decided to fuck us all up—we had to postpone it. But thankfully, we managed to plan the wedding again after a whole year of waiting for it to actually happen.

"Celestine Lim!" Sigaw ni Astrid galing sa labas ng kwarto ko. Astrid being Astrid, ayaw niyang mahuli kami sa food tasting ngayon. Siya kasi ang kinuha kong wedding coordinator para hindi na ako mahirapan pa kumausap ng bagong tao tungkol sa mga gusto kong mangyari. Tutal matagal na rin naman kaming magkaibigan at saka, may tiwala naman ako sa sense of design nito. "Ma-lalate na tayo, ano ba!"

I laughed. "Can you calm down first?" I asked while calmly wearing my heels. "4 pm pa naman ang schedule natin!"

"Kahit na!" Pagpupumilit niya kaya naman mas minabuti kong sa sasakyan nalang mag ayos ng kaonti para hindi na mabaliw si Astrid kahihintay sa akin. Ang sabi ni Drake, isasama raw sana niya si Fourthsky sa food tasting namin mamaya kaso nga lang ay walang magbabantay sa kambal kaya hindi na rin siya pinilit ni Drake. But because of that, si Travis ngayon ang isasama namin maliban kay Astrid. "Gusto ko tayo ang mauna roon," sabi ni Astrid habang abala siya sa pagkalikot ng iPad niya kung saan nakalagay lahat ng plano namin para sa kasal.

"Hindi naman natin kailangan makipagunahan," sagot ko. "They won't start it without me," I laughed as I saw her roll her eyes. Hanggang ngayon kasi ay pinagtatalunan pa rin nila ni Travis kung sino ang unang dumarating tuwing may okasyon. Lagi naman silang late pareho kaya hindi ko alam kung bakit pa nila iyon pinagtatalunan. Ang tanda-tanda na namin pero para pa rin silang bata na ayaw magpatalo sa isa't isa.

When we arrived, we immediately saw Drake and Travis talking to each other casually. Tuloy-tuloy lang ang pagrereklamo ni Astrid sa tabi ko habang naglalakad kami papalapit kina Drake. Kung hindi raw kasi ako tumagal sa kakapili kung ano ang isusuot kong sapatos, edi sana raw ay kami ang nauna rito. Tinawanan ko nalang siya at hindi na pinakinggan pa.

She's too loud but that's what I love about her.

"Baby," bati ni Drake nang makita niya akong naglalakad papalapit sa lamesang inihanda para sa aming apat. "How was the trip?" He asked. "Traffic daw?"

I nodded. "Medyo pero ayos lang naman," sagot ko. "So, shall we start? We still need to double-check the gowns and the suites, e."

Sumang-ayon naman silang tatlo kaya nagsimula na rin kami agad sa pagtikim ng iba't ibang putahe para sa reception ng kasal namin ni Drake. Halos lahat nga ng sinerve nila ay nagustuhan ko. Sobrang galing din naman kasi ng chef nila kaya hindi na kami nabigla pa. Matapos naming tikman lahat ng putaheng inihanda para sa amin, napagpasiyahan naming dumiretso na sa pinagpatahian namin ng gowns at suits.

"Ang sarap talaga, grabe!" Sabi ni Astrid habang inaayos iyong iPad niya sa kaniyang bag na kanina pa hinihintay ni Travis. Nang matapos na si Astrid sa pagaayos, kinuha na ni Travis iyong bag niya at siya na rin ang nagbitbit.

I smiled. "Malamang! Si Yuriko nagluto, e," sabi ko.

"Speaking of Yuriko..." bulong ni Astrid. Alam ko na agad ang sasabihin niya kaya hinila ko na siya papalayo sa dalawang unggoy na kasama namin. I can't let her reveal my surprise for Drake! Masyado pa namang madaldal ang babaeng ito.

Pag dating namin sa venue, andoon na rin sina Mitch, Gabbi, Yuriko, pati na rin si Zoey. Sinusukat na ulit nila iyong mga gagamitin nilang gowns sa susunod na linggo. Si Ophyra kasi at Kazuo ay abala pa roon sa bahay na pinapagawa namin ni Drake. Iyon na raw ang regalo nilang dalawa kaya wala na naman sila rito. Buti nalang at memorize naman ng asawa ni Kazuo ang sukat niya kaya ayos lang. "All good?" I asked all of them.

Bawat Daan (Puhon Series #1)Where stories live. Discover now