Chapter Three

124 16 5
                                    

#BD3 — That's enough, Woman

"Hindi ako multo," sabi nito at ngumisi.

"Nye-nye," pangaasar ko dito at umupo na sa dining table dahil sabay-sabay na raw kami nila Tito kumain.

Bakit ba kumakalabog nanaman ang puso ko?

May sakit ba 'ko o ano?

'Di pa naman ako nagkakape, ah?

Speaking of coffee, I'll make one muna habang may kausap pa naman si Tito.

Patayo na sana ako nang biglang mag lapag si Audrey ng coffee sa lamesa, tatlong coffee ito at hindi rin naman siya nag kakape kaya feeling ko ginawa niya 'yun para samin nila Tito at Kuya.

"Wow, bait mo today, sis," sabi ko habang humihigop ng mainit-init na kape.

Tahimik lang rin akong kumain habang nag-uusap silang mag-ama tungkol sa university na papasukan namin.

Ayaw kasi nito ni Audrey na kasama ang kapatid niya sa isang University. Buong buhay daw niya ay kasama na niya ito, para naman daw maiba.

Ayun nga lang... ayaw pumayag ng Kuya niya dahil over protective ito at gusto niya laging malapit sa kanya ang kapatid niya, sana lahat.

"Ikaw ba, Celest? Saan mo balak mag-enroll?" Maikling tanong ni Tito Jake.

"Uh, hindi 'ko parin po kasi sure, Tito. UST or UP po asa choices ko ngayon," seryosong sabi ko.

"Mag La Salle na lang kasi tayong tatlo!" Pagpupumilit ni Kuya.

La Salle? Ang mahal-mahal ng tuition doon 'no! Hindi naman ako para doon, 'di porket galing ako sa America, e, mayaman na 'ko.

Ayaw ko rin bigyan si Mommy ng dagdag gastusin, masyado na rin siyang maraming problema sa trabaho niya.

"I want nga kasi mag Ateneo," pagrereklamo ni Audrey sa Kuya niya habang hinihiwa ang tocino sa kanyang plato. "Besides, Kuya, duh? You have so many friends naman na here eh, right? Mas nauna ka umuwi here for sure naka-party ka na... You have new friends na, so ba't kailangan sama-sama pa tayo," dagdag ni Audrey.

May point naman kasi talaga si Audrey. Kahit gustong-gusto ko ng sariling kapatid, kung halos buong buhay ko, e, kami na lang ang mag kasama, mas gugustuhin ko rin humiwalay muna.

Wala talagang laban si Kuya kay Audrey kaya nanahimik na lang ito at kasalukuyang nakabusangot ang mukha niya at 'yon ang dahilan kung bakit ako tumatawa ngayon ng malakas.

"I-I'm s-sorry po. E-excuse m-me, please" nauutal kong sabi dahil sa kakatawa.

Tumayo narin ako para 'di ako maka-istorbo tutal tapos na rin naman ako kumain. Ang hirap lang talaga magpigil ng tawa kasi para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa!

Dumiretso muna ako sa living room para tumambay, maya-maya nalang siguro ako mag-aayos ng mga gamit ko tutal 'di parin naman tapos mag-usap sila Audrey at si Tito Jake.

I hope she's okay... I hope my Addie's okay. Kahit alam kong umiiyak na naman siya gabi-gabi. Ayaw ko naman siya pangunahan at intrigahin sa kung ano ang nararamdaman niya. Sa ngayon, pananatili na lang muna sa tabi niya ang kaya kong gawin.

Hindi naman kasi lahat ng tao na problemado ay kailangan ng advice sa buhay. 'Yung iba kailangan lang ng taong handang makinig sa kanila o handang damayan sila kahit wala silang sinasabi tungkol sa totoo nilang nararamdaman.

I know Audrey, she won't keep things from me. Alam kong hinihintay lang nito ang tamang oras para mag open up sa'kin tungkol sa totoo niyang nararamdaman, and that is something na I learned from being her best friend for 19 years.

Bawat Daan (Puhon Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon