Chapter Ten

82 13 1
                                    

#BD10 — Sunset

"Thank you for tonight," ani Drake.

Tumango lang ako bago sumakay sa kotse. Tahimik lang rin si Audrey at Drake, halatang napagod ang mga ito sa gig kanina. It was a nice experience. So far, this night is probably the best among all the gala nights naming mag kakaibigan.

Dumiretso na kaming tatlo sa sari-sarili naming kwarto pag dating sa bahay. Dahil na rin siguro sa sobrang pagod, hindi na kami nag-abala pang gumawa ng kahit na ano bukod sa pag ligo at pag papahinga. Lagi kong babalikan ang gabing ito. Unang beses kong tumugtog dito at ang swerte ko pa dahil The Unknown pa ang kasama ko.

Kinabukasan, nanatili lang ulit kami sa bahay. Medyo tinanghali kaming tatlo ng bangon dahil anong oras na rin naman kami nakauwi kagabi. Hindi rin naman daw kami hinanap ni Tito Jake. Ang bilin lang daw niya kay Nanay Marie, e, siguraduhing mailuluto niya lahat ng paborito naming pagkain para sa tanghalian.

Biglang tumunog ang phone ko habang naliligo ako sa banyo kaya naman humina ng konti 'yung kantang pinapatugtog ko. Hindi ko muna 'yon pinansin dahil baka mabasa lang ang phone ko kung uunahin ko 'yon kesa sa pagbabanlaw.

Pagkatapos maligo at mag bihis, tumunog ulit ang phone ko that's why I decided to check it na muna before I brush my hair. Nag-iingay na naman ba sila sa groupchat? Kanina pa tunog ng tunog phone ko, e.

'@thedrakem started following you'

'@thedrakem wants to send you a message'

'@thedrakem replied to your story: ghoUSTE.'

'@thedrakem replied to your story: Missed you too.'

'@thedrakem replied to your story: Is that Kazuo?'

Aba? Gumawa na pala siya ng Instagram account? O baka naman matagal na 'to? He doesn't like social media that much, although, he has a Twitter and Facebook account naman which he seldomly use rin.

At nireplyan pa niya lahat ng nasa story ko?

Tatlong picture lang naman ang nasa story ko. Ang unang picture sa story ko ay 'yung langit sa may Plaza Mayor na kita rin ang main building kaya siguro niya nireplyan ng ghoUSTE 'yung story ko na 'yun.

Sa pangalawang story ko naman ay isang picture lang ng stage sa Route 196 kagabi na may nakalagay na I missed you, sumakto pa'ng makapal ang mukha ni Drake kaya nireplyan niya 'yon ng Missed you too kahit na hindi naman talaga para sa kanya iyun, tss.

At ang huling litrato sa story ko ay 'yung stolen shot ni Kazuo kagabi habang may hawak-hawak na canned beer. He doesn't follow me naman so I guess wala naman sigurong problema dun, at saka, hindi rin naman kita ang mukha niya. 'Yung relo lang niya at konting black shirt ang nahagip ng camera ko.

Drake Cole
thedrakem

SUN 4:24 PM

ghoUSTE
Missed you too.
Is that Kazuo?

Mamamo ghouste
'Di kita miss sorry
Oo pake mo

Sungit.
Are you done taking a bath?

Ako pa talaga ang masungit ha
Oo tapos na ba't sasabay ka?
Joke gagu 'di tayo talo ew wtf HAHAH

Silly.
Get ready.
Let's buy something sa convenience store.

Luh ano bibilhin
Saka may instagram ka na pala?
'Di ka na taga-bundok?
Hindi mo man lang kami finollow agad amp!

Bawat Daan (Puhon Series #1)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα