Chapter Eleven

70 10 1
                                    

#BD11 — She's Back

Tulad ng gustong mangyari ni Drake, hinayaan ko siyang ihatid ako papasok kahit labag sa loob ko. Hindi naman na kasi niya responsibilidad 'yon. Pwede naman akong sumabay na lang kay Kazuo o pwede rin naman akong mag grab na lang.

Mapapalayo pa kasi siya kung ihahatid pa niya ako. Wala rin naman akong laban dito, hinddi ko alam kung anong mayro'n sa kanya at parang lahat ata ng gusto niya sinusunod ko nalang bigla.

Pero labag pa rin talaga sa kalooban ko ito, sayang din kasi sa gas kung araw-araw niya itong gagawin. Gusto ko rin kasi munang umiwas sa kanya. Ayaw kong isipin na... baka nahuhulog na nga talaga ako. Gusto kong agapan habang maaga pa. Habang wala pa'ng umaamin sa'ming dalawa.

I'm still not ready to commit after everything that I've been through.

"Good luck on your first day, baby girl," nakangising sabi ni Drake habang pinagbubuksan ako ng pinto.

"Mukha mo baby girl!" I exclaimed. "Thank you sa paghatid." Inirapan ko ito.

"Tss... Sungit."

Hindi ko na siya nilingon pa. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papunta sa building namin. Sa laki ng university na ito, hindi na ako magtataka kung maliligaw na naman ako ng landas. Halos matapon ko 'yung coffee na hawak ko nang biglang may sumulpot sa harap ko.

Isang babaeng mukhang kulang sa dugo dahil sa sobrang puti, her almond-shaped eyes are full of excitement and happiness. Her mid-length wavy hair suits her round but small-shaped face.

May lahi siguro itong chinese?

"Celestine! Hello! OMG!" Bati niya nang bigla siyang sumulpot sa harap ko.

"H-hi!" I smiled at her, awkwardly. "I'm sorry but who are you?" Maingat kong tanong habang inaayos ang takip ng iced coffee ko.

"Ay oo nga pala!" Natatawang sabi niya. "Mitch Sanchez. 1st-year nursing student."

So, nursing student rin pala siya. Is this a sign, Lord? New friend na po ba ito? O baka dahil kaibigan ko lang ang The Unknown kaya niya ako kinakaibigan? Damn this trauma.

I sometimes feel like I'm just Celestine because of the people around me pero hindi ko rin naman iyon masyadong pinapansin dahil alam ko sa sarili ko na pinaghirapan ko lahat ng mayroon ako ngayon.

I worked hard to be the Celestine Anastasia Lim that I am now.

"Celestine Lim. 1st-year nursing student rin. Nice to meet you!" Masayang bati ko kay Mitch na hanggang ngayon, e, nakangiti pa rin sa'kin.

"Tara. Sabay na tayo," pag-aanyaya niya.

She seems nice naman and harmless. Magaan ang pakiramdam ko sa kanya, dahil na rin siguro sa feautures niya na sobrang soft. Mukhang hindi nga 'to makakabasag ng pinggan, e. Sinabayan ko na lang siya sa paglalakad kaso may natanaw akong matangkad at makisig na lalaki sa gitna ng paglalakad namin.

Oh shit.

That's Kazuo Takeshi walking towards me.

Nang maglakad ito papalapit sa'min, marahan kong hinawakan ang kaliwang braso ni Mitch bilang suporta dahil pakiramdam ko'y bibiguin ako ng sarili kong tuhod dahil sa kaba. Wala naman akong atraso kay Kazuo pero pakiramdam ko ay mayro'n kaya ako laging kabado pag natatanaw siya.

"O-okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Mitch habang hawak ang kamay kong nakahawak sa kaliwang braso niya.

"Celest," mahinang tawag ni Kazuo sa pangalan ko.

Biglang napalingon si Mitch dahil sa mababang boses na tumawag sa 'kin. Lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko habang bumubulong. Hindi raw siya makapaniwala na ang lapit-lapit ng isang Kazuo Takeshi sa kanya.

Bawat Daan (Puhon Series #1)Where stories live. Discover now