Chapter Twenty-Six

59 10 0
                                    

#BD26 — Puhon

Ayaw ko mang isipin, ngunit may kutob na talaga akong tungkol itong dinner na ito sa nakaraan ng mga magulang naming tatlo. Ang sabi nila ay matagal na iyong tapos at hindi na dapat kaming maapektuhan pa, pero sa aming tatlo, ako lang ang hanggang ngayon ay hindi pa rin naniniwala roon.

Whenever Tito Jake looks at my mother, I feel like a part of him still wants to run back to her. I know there are a lot of unsaid words in his mind—I can sense it. My mother loves my father so much, there's no doubt in that, however, Tito Jake was still her first love and she is his first love, too, which makes everything complicated.

"Ma," bati ni Audrey kay Tita Tamara na nakahilig sa arm rest nang inuupan na couch ni Tito Jake.

Tita Tamara kissed Audrey's cheek. "My Quinn."

"Why are we here, Mommy?" A crease appeared on my forehead. "What's the problem?" I asked my mother, expecting a straightforward answer, too.

She forced a smile, trying to find the right words to use as an answer to my question but she failed. Tita Tamara saved her from my question, she asked us to freshen up first before we have our dinner. Drake walked towards me when he realized how both of our mothers dodged my question just like that.

"Baby," he whispered through my ear, sending shivers to my neck.

I smiled at him. "Hmm?"

"What's up?" He planted a soft kiss on the side of my head. "You went silent the moment you ended the call with Tita Katherine," he said.

"Kinabahan lang. Baka kasi tungkol na naman sa past," maikling sabi ko habang tinatahak ang hagdanan paakyat sa kwarto ni Drake.

Pinigilan niya ang kamay kong nakahawak na sa doorknob. "Can I get a hug?"

Kumunot ang noo ko. "Huh? Para saan?" Tanong ko, nagtataka na sa kakaibang kinikilos niya.

"You look sad and bothered." He shrugged. " C'mon, Tash, gimme a hug," pagpupumilit niya habang dahan-dahang iginagapang ang mga palad niya sa aking bewang.

I wrapped my arms around his neck for a hug. "Hmm... Okay na?"

"No," he answered while shaking his head. "Kiss?"

"Shut up, Drake." Tinulak ko ang dibdib niya pero hindi naging sapat ang lakas ko para mapalayo sa kanya.

He laughed. "Just one, I promise! A smack will do," he said.

Sinamaan ko siya nang tingin bago maglakad papasok sa kwarto niya. Hindi ko na siya hinintay pang makapasok sa kwarto niya, kumuha na ako agad ng damit sa closet niya bago pumasok sa banyo. Siguro naman kahit papaano ay mapapagaan nang pagligo ang pakiramdam ko. Baka pagod lang talaga ako sa biyahe.

Paglabas ko pa lang ng banyo, isang Drake Medina na nakabusangot ang mukha, nakanguso at nakahalukipkip ang sumalubong sa akin. I rolled my eyes at him while giving him a playful smirk.

Hindi lang binigyan ng kiss parang hindi na agad mahal, e!

"Maligo ka na para makakain na tayo," utos ko sa kanya.

"Where's my kiss, Celestine Anastasia?"

"Wala ka no'n, kumilos ka na."

Bigla niya akong hinatak papalapit sa kanya bago niya ako isinandal sa pader. Kinulong niya ako gamit ang dalawang braso niyang nakahilig sa sinasandalan ko. Sinamaan ko siya nang tingin ngunit wala iyong talab sa kanya. His seductive eyes pierced into mine while he's biting his lower lip.

"Drake..." Bulong ko.

Nilapit pa niya lalo ang kaniyang mukha sa akin, rason kung bakit ako napapikit bigla. Hindi ko inaasahan ang ginawa niyang iyon, ang akala ko ay kukunin na niya iyong smack na kanina pa niya hinihingi pero imbes na labi ko ang halikan niya, iyong gilid ng labi ko mismo ang pinatakan niya noon.

Bawat Daan (Puhon Series #1)Where stories live. Discover now